Norwegian na nagmalasakit sa isang tuta sa Pinas, namatay sa rabies

Norwegian na nagmalasakit sa isang tuta sa Pinas, namatay sa rabies

- Pumanaw dahil sa rabies ang isang Norwegian na nagbakasyon sa bansa

- Nakapulot ng tuta si Birgitte Kallestad at inaruga ngunit sa kasamaang palad, nakagat siya nito

- Nang bumalik siya sa Norway, nanghina na ito at na-ICU pa ngunit di nagtagal ay pumanaw na rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang 24 anyos na Norwegian na si Birgitte Kallestad dahil umano sa rabies.

Pebrero nang magbakasyon si Birgitte sa Pilipinas at nakakita siya ng tuta na naisipan niyang kupkupin.

Ayon sa Inquirer.net, magiliw talaga si Birgitte sa mga hayop kaya naman di ito nagdalawang isip na kupkupin pansumandali ang tuta.

Nalaman ng KAMI na dinala niya ito sa tinutuluyang resort, pinaliguan at inaruga. Habang nilalaro niya ang tuta nakagat siya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makabalik siya ng Norway, doon lamang siya sinaman ng pakiramdam. Agad siyang sinugod sa Forde hospital kung saan siya nagtatrabaho. Nailagay pa siya sa ICU ngunit kalaunan ay pumanaw din.

"Our dear Birgitte loved animals. Our fear is that this will happen to others who have a warm heart like hers,” ayon sa pamilya ni Birgitte.

Makikita nga sa kanyang instagram na may ilang kuha siyang kasama ang ilang alagang hayop. Patunay ng kanyang pagkahilig sa mga hayop.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebrities at ang kanilang kumikinang na alahas

Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebs at ang kanilang kumikinang na alahas

Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebs at ang kanilang kumikinang na alahas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel