Netizens, umalma kay 'Spiderman' na biglang umeksena sa game 5 ng PBA

Netizens, umalma kay 'Spiderman' na biglang umeksena sa game 5 ng PBA

- Bigla na lang sumulpot sa mismong game 5 ng PBA Finals

- Makikita sa larawan na tila nagkasakitan pa sila ng ilang PBA players

- Nang tanungin bakit niya ito nagawa, gusto lamang daw niyang magmahalan ang bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena talaga ang pagpasok ng lalaking naka-suot ng Spiderman costume sa game 5 ng PBA Finals, Biyernes, Mayo 10.

Ayon sa Manila Bulletin, inaresto ang di pa napapangalanang lalaki na naka-Spiderman dahil sa biglaang pagpasok nito sa court habang naglalaro ang mga players.

Nalaman ng KAMI na wala raw intensyong di maganda ang lalaki. Nang tanungin pa nga ito kumbakit niya ito nagawa, sinabi niyang "Gusto ko lang magmahalan tayong lahat."

Ilang larawan din ang naibahagi kung saan makikitang nagkasakitan pa ang ilang player at ang 'Spiderman' dahil umano sa panggugulo nito sa kainitan ng PBA Finals.

Ayon sa panayam sa lalaki, 2010 pa raw niya ginagawa ang pagsusuot ng costume ng Spiderman at nagsasagawa rin siya ng charity works.

Pinatunayan ito ng isang netizen at sinasabing siya rin ang Spiderman na namimigay ng pagkain sa mga bata.

Samantala, umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens. Ang ilan ay naawa sa lalaki dahil sa nakita nila ang motibo nito habang ang ilan naman ay inakusahan pa itong wala sa katinuan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pgbigyan nlng. Masaya lng cya. Love you spiderman 3000"
"Intindihin na lng natin may pinagdaan yan... kakamatay lang ni Iron Man... kaya ganyan yan..."
"Scripted masyado..sana next time galingan nio pakulo nio PBA.. unang una sa entrace pa lang kung naka spidey n yan..bawal na yan..pero kung sa loob siya nagbihis,maraming guard jan db na paikot ikot..syempre sisitahin na yan..wag kami"
"Tinaya nya ang sariling dangal pra kahit papano may iilang pilipino ang mamulat sa darating na botohan"
"Salamat sa pagmamahal sa bansa kuya even though it's not on the right place atleast at the right time.. #votewisely"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel