Saudian employer, sinurpresa ang Pinay OFW ng isang bagong cellphone

Saudian employer, sinurpresa ang Pinay OFW ng isang bagong cellphone

- Maswerte ang Pinay OFW na nabiyayaan ng isang bagong cellphone ng kanyang employer sa Saudi Arabia

- Ayon sa anak ng kanya talagang amo, mabait at may "pure heart" daw ang OFW sa pag-aalaga sa kanyang ina

- Tuwang-tuwa ang OFW dahil sa nawala talaga ang kanyang cellphone nang umuwi siya ng Pilipinas at nag-iipon pa lang sana siya upang makabili ng bago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Humoud Al Fajrawi ang nakaaantig na video ng Pinay OFW na nabiyayaan ng cellphone ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Pinakuha ng anak ng amo sa Pinay ang isang plastic bag at sinabing para raw ito sa kanya.

Isa pala itong regalo sa Pinay dahil sa tatlong taong serbisyo nito sa kanyang mga amo.

Habang binubuksan ng di napangalanang Pinay ang laman ng supot, nagpapasalamat na ang anak ng amo sa kabutihang pinakikita ng OFW sa kanilang pamilya.

"I am so grateful for your effort" nasabi pa ng employer.

Sa labis na katuwaan, napayakap pa ang malambing na Pinay sa anak ng amo at nagpasalamat din ito sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Alam agad ng OFW na cellphone ang laman ng kahon at malaking bagay ito para sa kanya. Nag-iipon pa lamang daw ito ng pambili ng cellphone dahil sa nawala ang dati niyang ginagamit nang minsang umuwi siya sa Pilipinas.

"Because you have pure heart and very good intentions," pagpapatuloy ng pasasalamat ng anak ng amo.

Nakikita at nararamdaman din daw ng anak ng amo na mahal ng OFW ang inaalagang ina kaya naman nararapat lamang na suklian ang kabutihan nito.

Nang tuluyan nang mabuksan ang regalo at nakitang cellphone nga ang laman, mas lalong natuwa ang OFW.

"You deserve it!" ayon pa sa anak ng amo.

Masasabing kahit na paano ay maswerte pa rin ang ilan sa kababayan nating mga OFW dahil nakakatagpo pa rin sila ng mabubuting amo. Gaya na lamang nang minsan nang naibahagi ng KAMI na nagbigyan ng malaking halaga ng amo upang makapagpagamot ang OFW dahil tinamaan ito ng malubhang karamdaman.

Marahil, nagpakita rin ng pagiging mapagkalinga at mapagmahal ang mga OFW na ito kaya naman sinukliak ng kanilang mga amo ang kabutihang pinaramdam nila sa mga ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay robotic lead nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles

Pinay robotic lead nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles

Pinay nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel