Matapos tulungan makapag-abroad; misis, inakusahang may "something" si mister

Matapos tulungan makapag-abroad; misis, inakusahang may "something" si mister

-Matapos tulungan ni mister ang OFW na inirereklamo, sinabi pa nito na mayroong "something" sa utak ang asawa

-Ayon kay misis, mayroong kakaibang ugali ang mister kaya niya ito hiniwalayan

-Giit naman ni mister, third party ang dahilan kung bakit "nanlamig" sa kanya ang asawa na ngayon ay nasa Saudi na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang magawa ang dating OFW na si Ian Labe nang tuluyan nang nakipaghiwalay sa kanya ang asawang si Maria Cecilia Labe.

Matapos na dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action si Mr. Labe at makausap ang kanyang misis na kasalukuyang nasa Abu Dhabi, tinanggap na lamang nito ang desisyon ng asawa.

Ngunit tinanggap nito ang alok ni Raffy Tulfo na magpa-konsulta sa isang espesyalista kaugnay sa iginigiit ng asawa na siya ay may "something" sa utak kaya siya hiniwalayan nito.

Ayon kasi kay Mrs. Labe, may problema sa pag-iisip ang asawa at pinaniniwalaan lamang nito ang sarili.

Obsessed rin daw ito sa kanya lalo pa at may mga pagkakataong nagpakita ito ng kakaibang ugali sa kanya at maging sa harap ng ibang tao.

Nang magpakonsulta naman si Mr. Labe ay lumabas na wala itong anumang problema sa pag-iisip matapos sumalang sa mga test ng mga doktor.

Masaya naman ito sa kinalabasan ng kanyang pagpapasuri dahil nalinis niya ang kanyang pangalan.

Hindi naman nito itinanggi na labis ang pagmamahal niya sa 24-anyos na asawa. Ngunit hinala nito, mayroon nang ibang lalaki ang asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nais na lamang nito na mabawi ang mga pera umano nito na ipinagkatiwala sa misis na mariin namang itinaggi ni Mrs. Labe.

Ganunpaman, umaasa pa rin si Mr. Labe na matutulungan siya ng asawa na makabalik muli sa Abu Dhabi upang makapagsimula muli.

Humingi rin ito ng tulong sa asawa na pansamantala siyang suportahan dahil wala umano itong pera.

Kaya naman inobliga ni idol Raffy ang ginang na tulungan muna ang asawa nito.

Bagamat hindi nangako noong una ay napilitan ring magpadala ang ginang sa asawa. Sa huling update, nagpadala daw ito ng P1000.00.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Heaven Peralejo, matapang na hinarap ang 'gold digger' isyu tungkol sa kanya

Heaven Peralejo, matapang na hinarap ang 'gold digger' isyu tungkol sa kanya

Heaven Peralejo, matapang na sinagot ang 'gold digger' isyu tungkol sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel