Melai Cantiveros, ibinuking ang nakakaantig sa puso na ginawa ni Sharon Cuneta

Melai Cantiveros, ibinuking ang nakakaantig sa puso na ginawa ni Sharon Cuneta

- Ibinuking ni Melai Cantiveros ang nakakaantig sa puso na ginawa ni Sharon Cuneta

- Guest si Megastar sa Magandang Buhay kamakailan lang

- Dito ay isiniwalat una ng anak-anakan niya sa 'Star Power' na si Natasia Cunanan ang mabuting ginawa ni Mega sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa guesting ni Megastar Sharon Cuneta sa Magandang Buhay nina momshies Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada ay ibinuking nila ang nakakaantig sa puso na ginawa nito at naispatan ito ng KAMI.

Isa sa mga suprise guests ay ang isa sa mga finalists ng 'Star Power' noon kung saan nanalo si Angeline Quinto na si Natasia Cunanan na naging anak-anakan na niya.

Dito ay isiniwalat ng huli ang kabutihang loob na ginawa ni Mega sa kanyang nanay.

Ani pa ni Natasha, tinulungan siya ni Sharon na magpagamot sa kanyang ina na may brain tumor.

Sabi pa ni Sharon:

"Win or lose ka sa contest na ito, ako ang bahala sa mama mo."

Ibinuking rin ni momshie Melai Cantiveros ang pagka-very generous at mabait ni Mega.

Kaya naman bumuhos ang samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.

"That's true when you honor your parents God blesses you."
"Totoo yan. Super bait ni MEGA.Yung sumali sya dati sa game show na 'Who Wants to be a Millionaire' at nanalo siya ng jackpot price na 1 million pesos ay binigay nya lahat yun sa isang showbiz reporter na may sakit."
"Ang bait talaga ni Mega.Happy Mother's Day!!"
"Naiyak ako...That is why Mega is so blessed."
"Yan ang pagtulong ng taos sa puso. Hindi siya mapagyabang sa mga tao."

Una ng nag-guest si Megastar Sharon Cuneta sa Tonight With Boy Abunda o TWBA, kung saan isang laughtrip din na kakulitan segment ang pinagawa kay Mega na pinamagatang 'Kiss, Marry, or Kill."

Maraming mga K-pop at K-drama fans ang nag-react sa kanyang mga sagot sa mga Korean superstar idols na nabanggit.

POPULAR: Read more news about Sharon Cuneta here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel