Surpresa sa inang di dumalo ng sariling pagtatapos para sa graduation ng anak, nag-viral

Surpresa sa inang di dumalo ng sariling pagtatapos para sa graduation ng anak, nag-viral

- Sinakripisyo ng sariling ina ang kanya mismong graduation para makadalo ng pagtatapos ng anak

- Binahagi niya sa kanyang Facebook ang inaalalang sabay na graduation niya at ng kanyang anak

- Di nila inaasahang magiging extra special ang pagtatapos nilang mag-ina sa ginawa ng kanyang Unibersidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Excited na ang ina na si Sharonda Wilson sa pagtatapos ng anak niyang si Stephan. Ngunit, kasabay ng kasiyahang ito ang isang problema ni Sharonda, kasabay kasi ng pagtatapos ng anak ang sarili niyang graduation day.

Magkaiba ng unibersidad ang mag-ina. Ayon sa CNN, sa Ferris State University sa Big Rapids, Michigan nag-aral si Sharonda habang si Stephan naman ay mula sa Central Michigan University sa Mount Pleasant, Michigan.

Ilang araw bago ang kanilang pagtatapos, nag-post sa kanyang Facebook si Sharonda ng kanyang "pinoproblema."

Isang student assistant na nagtatrabaho sa paaralan ni Stephan ang nakakita sa post ng ina nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglakas loob ang estudyante na idulog ito sa presidente ng paaralan na ginawan naman ng paraan ang sitwasyong pinag-aalala ni Sharonda.

Dumating ang araw ng pagtatapos ni Stephan at isang surpresa ang sumambulat sa kanila.

Nag-usap pala ang dalawang unibersidad upang masolusyunan ang pinoproblema ng ina.

Pinahintulutan ng paaralan ni Sharonda ang unibersidad ni Stephan na kumpirmahin ang pagtatapos ni Sharonda.

Nalaman nila ang paghihirap ni Sharonda para sa pag-aaral nito gayundin para sa pag-aaral ng anak kaya naman nararapat lamang na maramdaman nitong nagtapos na rin siya.

Naging espesyal lalo ang pagtatapos ng mag-ina dahil sa surpresang ito.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens na naantig sa kwento ng mag-ina:

"No, I’m not crying. There is something in my eye...both eyes.."
"Look at that son's pride in his mother! I bet he's more excited about her graduation than his own! I love this! That was really awesome of Central and Ferris for doing this for her!"
"That was incredibly kind!!! Mothers are selfless til the end!"
"Beautiful , Thank you. We need more news like this, keep it coming!"
"You’re another super mom who chose to miss her own graduation for her sons graduation! Real moms do real things and sacrifice any and everything for their babies!"
"Ah. This brought tears to my eyes. Well done Mom."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel