Mister, nagmamakaawang balikan siya ng misis na OFW dahil magpapakasal na ito sa iba

Mister, nagmamakaawang balikan siya ng misis na OFW dahil magpapakasal na ito sa iba

- Nagmamakaawa si Reynoso Licayan sa dati niyang partner na si Airene Ritas para balikan siya nito

- Si Airene ay magpapakasal na sa ibang lalaki at ayaw ng balikan si Reynoso

- May matindi raw na dahilan kung bakit ayaw na niyang makipagbalikan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaking nagngangalang Reynoso Licayan, na nagtatrabaho bilang electrician ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' upang ireklamo ang dati niyang live-in partner na si Airene Ritas.

Nalaman ng KAMI na si Airene ay isang OFW sa Jeddah, Saudi Arabia at may matindi pala itong dahilan kung bakit ayaw na niyang makipagbalikan pa kay Reynoso.

Ayon sa kuwento ni Reynoso, mayroon silang apat na anak ni Airene, pero ito raw ay magpapakasal na sa ibang lalaki.

Pero ang sagot ni Airene, "Three years na po kaming hiwalay, hindi po kami kasal, ano pong problema niya?

"Kahit ano pa pong gawin niya hinding, hinding, hinding, hinding, hindi na po ako makikipag-ayos sa kanya."

Inamin din ni Airene na na-spin niya ng kutsilyo si Reynoso at buti nalang ay hindi ito tinamaan. Ito raw ang dahilan kung bakit ayaw na niyang makipagbalikan dito at baka mapatay pa niya ito dahil sa galit.

Pero sa kabila ng mga nagawa ni Airene, desidido si Reynoso makipagbalikan sa kanya.

"Titiisin ko na lang po yung kanyang pagka-maldita.. dahil naawa ako sa mga bata. Kasi ayaw ng mga bata na maghiwalay kami," paliwanag ni Reynoso.

Watch the video below:

Nag-viral ang kuwento nila sa social media na mayroon nang mahigit 1 million views.

Narito naman ang mga komento ng netizens matapos panoorin ang kanilang video.

"I feel you girl..ganyan asawa ko gravehhhh adik sa tong it.kaya hiniwalayan ko rin"
"Di ako masyado natawa sa story pero nakakahawa yung tawa ni idol"
"Pag problemado ka ito panuorin mo mahahawa ka sa tawa ni sir raffy"
"girl, need mo mag consult ng psychiatrist. may tupak ka eh"
"Super yabang na babae,umaaboso dahil alam mong Mahal ka ng lalaki. hinay2 baka makahanap ka ng katapat mo."
"kawawa yung susunod na asawa ni ate baka kamakalawa patay na yung asawa nya wala syang anger control"
"Laughtrip day! Yabang ng babae... Proud na proud pa siya!!! Kaloka!!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isa na namang mainit na kaso ng reklamo tungkol sa pagtataksil ng misis na isang OFW sa Abu Dhabi. Bukod sa may bagong karelasyon si misis ay nagkaanak pa ito sa iba na pinaalagaan pa raw kay mister. Matindi ang naging pagtatalo ni mister at kabit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, Kapamilya star Jodi Sta. Maria shared her experiences working together with Gabbi Concepcion. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel