Kapitbahay ni mister na ka-chat ni misis, pinagtawanan lang si mister

Kapitbahay ni mister na ka-chat ni misis, pinagtawanan lang si mister

-Pinagtawanan lamang ng inirereklamong lalaki at kapitbahay ni mister ang mga akusasyon sa kanya

-Sabi kasi ni mister, may relasyon na umano ito at ang kanyang misis na OFW at pinadadalhan pa raw ito ng kanyang asawa

-Mariin man itong itinanggi ng lalaki, marami naman daw magpapatunay sa akusasyon ni mister rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natawa lamang ang inirereklamong si Edgar Bajora sa mga akusasyon sa kanya ni Jesus Bartolome kaugnay sa pakikipagrelasyon ng una sa asawa ng huli.

Idinulog na ni Mr. Bartolome sa programang Aksyon ang kanyang hinaing laban sa kapitbahay na si Bajaro at sa misis nito na isang OFW sa Kuwait na si Risa Bartolome.

Giit ni Mr. Bartolome, pinadadalhan na raw ng pera ng kanyang asawa ang lalaki at nakikipaghiwalay na rin daw ito sa kanya.

Hinala niya, kaya gusto nang tapusin ng misis ang kanilang relasyon ay upang tuluyan nang maging legal ang relasyon nito kay Bajaro.

May mga larawan pang ipinakita si Mr. Bartolome na magpapatunay ang komunikasyon ng dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga conversation ng mga ito sa social media na magpapatunay umano na nagpapadala ng pera kay Bajaro ang kanyang asawa.

Samantala, bagamat inamin ni Bajaro na mayroon silang komunikasyon ni Mrs. Bartolome, itinanggi naman nito na mayroon silang relasyon.

Itinanggi rin nito ang sinabi ni Mr. Bartolome na pinadadalhan siya ng pera ng asawa nito.

Kaya lamang umano niya kinakausap ang OFW na si Mrs. Bartolome ay dahil sa malungkot ito sa ibang bansa.

Bagay na hindi nagustuhan ng host na programa na si Raffy Tulfo. Anito, hindi dapat na nakikipag-komunikasyon ang isang lalaki sa isang babaeng mayroon ng asawa o pamilya.

Nakatikim rin ng sermon si Bajaro mula kay Tulfo at nangako na rin ang una na hindi na makikipag-usap pa kay Mrs. Bartolome.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel