OFW, kumakain ng tirang pagkain ng mga amo upang maibsan ang gutom

OFW, kumakain ng tirang pagkain ng mga amo upang maibsan ang gutom

- Binahagi ng isang OFW ang larawan nilang kumakain ng tira ng kanilang amo

- Sinabi niyang bawal ang maarte dahil kung hindi, gutom ang kanilang aabutin

- Nag-viral ang kanyang post at sinang-ayunan din ito ng mga kapwa niya OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Rosemarie Silapan ang kanilang kalagayan bilang isang OFW.

Ayon sa kanyang post, tila nasanay na silang kumain ng tirang pagkain ng kanilang mga amo.

Bawal ang maarte sa kanilang trabaho dahil kung hindi nila ito gagawin, matinding gutom talaga ang kanilang aabutin.

Di man nila ito nararanasan sa Pilipinas, wala silang ibang magawa kundi ang magtiis at sikmurain ang tirang pagkain.

Nalaman pa ng KAMI na madalas sumakit ang kanilang ulo sa gutom kaya naisip nilang kainin na lamang ang mga natira na pinagsaluhan na ng kanilang mga pinagsisilbihan.

Sa tindi rin ng kanilang pagod sa pagtatrabaho, kinailangan talaga nilang bumawi sa pagkain.

Ang tanging iniisip na lamang ni Rosemarie ay pansamantala lamang ang mga nangyayaring iyon sa kanilang buhay at balang araw ay makakauwi rin sila sa Pilipinas.

Samantala, nag-viral ang post dahil na rin sa pag-sang-ayon ng ibang mga kapwa niya OFW.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Go lng mga sisy bsta alm ntin di tau mlason kainin ntin"
"Ranas krin kumain sa loob ng cr ng prutas dhil gutom na eh"
"D pwede maarte sa buhay katulong kailangan matibay ang sikmura"
"Danas ko yan nung nasa dubai pa ko. Kung minsan nagtatago ako sa banyo makakain lang kahit asin at kamatis lang solve na"
"Nakaranas din ako sa bansang qatar first time ako noon tumutulo lha ko habang sinusubo ko pagkain natiratira mga amo tiniis ko para my ilalakas kong magtrabho"
"Korek dati ko din yan dinanas awa ng Diyos ngayun napunta na aq sa maayos na amo kya pray lng lhat ng yan pagsubok lng na dadaan sa buhay ntin"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel