Vice Ganda, dumagdag sa listahan ng mga tinatawag na 'CHELebrities'

Vice Ganda, dumagdag sa listahan ng mga tinatawag na 'CHELebrities'

- Dumagdag si Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda sa listahan ng mga tinatawag na 'CHELebrities'

- Sa isang tweet, ipinahayag ng GGV at It's Showtime host at Idol Philippines judge ang kanyang paghanga at suporta sa kay Chel Diokno

- Ani pa niya, "Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO" at iboboto niya raw ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang pagbigay suporta ni Vice Ganda kay Senatorial candidate Chel Diokno.

Tila dumarami na nga ang listahan ng mga Pinoy celebrities na sumusuporta kay Diokno at ang pinakahuli ay ang GGV at It's Showtime host at judge ng Idol Philippines sa Kapamilya network na si Vice.

Sa pamamagitan ng isang tweet ay ipinahayag ng Unkabogable Phenomenal Superstar ang kanyang paghanga at hangarin na iboto si Chel Diokno sa paparating na eleksyon ngayong Mayo.

Bungad na tweet pa ni Vice:

"Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO."

At dugtong pa niya:

" Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya. "

Sa huli ay hinihingi rin niya ang suporta ng kanyang 12.3M followers sa Twitter.

"Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12."

Si Vice ay dumagdag sa listahan ng mga na-'CHELebrities,' at kasama na rin sa 5 Famous Pinoy celebrities na suportado si Chel Diokno para Senador.

Ani pa ng cnnphilippines.com, iniindorso rin ni Vice Ganda sina Makati Mayor Abby Binay at ang kaibigan niya at It's Showtime co-host Jhong Hilario.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Karel Marquez shares pictures from her maternity shoot

Karel Marquez shares pictures from her maternity shoot

Karel Marquez is one stunning momma in her maternity shoot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel