'CHELebrities!' 5 Famous Pinoy celebrities na suportado si Chel Diokno

'CHELebrities!' 5 Famous Pinoy celebrities na suportado si Chel Diokno

Napag-alaman ng KAMI na meron palang tinatawag na 'CHELebrities' at ito raw ay listahan ng mga Pinoy celebrities na nagbigay suporta sa Senatorial candidate ngayong May election na si Chel Diokno.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila dumarami ang mga showbiz personalities na nagpahayag ng kanilang suporta kay Diokno para Senador.

At spotted namin ang 5 sa mga sikat na ito.

1. Kris Aquino

Sa isang IG post pinakita ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang suporta niya kay Diokno kasabay ng isang larawan niya na nasa eroplano at mahabang caption.

Gusto raw ni Kris ang "sense ng statement" ng kandidato.

2. Dingdong Dantes

Isa pang sikat na celebrity na nagbigay rin ng suporta sa kandidato ay si Dingdong Dantes.

Ni-retweet ng Kapuso Primetime King ang tweet ni Diokno at sinabing "agree" siya sinabi nito sa video.

Saad pa ni Dingdong:

"Crucial stage ang childhood and adolescence to one's development."

3. Enchong Dee

Isa pang artista na nagbigay ng suporta kay Chel Diokno ay si Enchong Dee.

Klinaro pa nito sa kanyang hashtags na "Not Paid" at "Ako Lang To."

4. Bianca Gonzalez

Suportado rin ng PBB Otso co-host Bianca Gonzalez ang pagtakbo ni Chel Diokno sa Senado.

Isa ang huli sa kanyang napili at inindorse sa naturang Senatorial race.

May pahabol pa na sulat si Bianca sa kanyang tweet.

Sabi pa niya:

"Opinyon ko lang po ito, hindi "bayad", hindi din pinakiusapan na ikampanya."

5. Janine Gutierrez

Sa isang tweet rin nagbigay ng suporta ang Kapuso actress na bida sa teleseryeng Dragon Lady na si Janine Gutierrez and kandidatora ni Chel Diokno.

Agad naman nagpasalamat ang huli sa aktres.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel