Gretchen Ho, pinayuhan ng kapatid na 'wag nang magsuot ng "dilaw"

Gretchen Ho, pinayuhan ng kapatid na 'wag nang magsuot ng "dilaw"

-Matapos masali sa "ouster diagram" na inilabas ng palasyo, pinayuhan raw ng kapatid si Gretchen Ho na huwag nang magsuot ng "dilaw"

-Mariin namang itinanggi ni Ho ang kanyang pagkakadawit sa matrix

-Nadawit ang pangalan ng TV host isang araw matapos itong dumalo sa thanksgiving dinner ni Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinayuhan raw ng kapatid si Gretchen Ho na huwag nang magsuot ng kulay "dilaw" sa morning show na Umagang Kay Ganda kung saan isa siya sa host.

“Wag ka kasi magsusuot ng yellow sa UKG [Umagang Kay Ganda]. Napagkakamalan tuloy,” ayon sa kapatid ni Ho sa isang viber message.

Ang kulay na dilaw ay kilalang kulay ng Liberal party na kilalang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng TV host ang payo ng kanyang kapatid at abogado kaugnay sa pagkakadawit niya sa "ouster diagram" laban kay PRRD.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang tweet ni Ho, mariing nitong itinanggi ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa matrix na inilabas ng palasyo noong Miyerkules, na naibalita na rin ng KAMI.

Ayon kay Ho, hindi niya kilala si "Bikoy" na siyang nagdadawit sa pangulo at sa pamilya nito sa “Ang Totoong Narcolist” video.

"Regarding being included in the 'matrix,' I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is," ani Ho sa kanyang tweet.

Kamakailan lang, sa isang article ng KAMI, dumalo pa ang volleyball star-turned-TV host sa thanksgiving dinner ng pangulo, isang araw bago inilabas ang panibagong matrix kung saan napasama ang pangalan ni Ho.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isko Moreno calls those who spread fake class suspensions ‘bitter’

Isko Moreno calls those who spread fake class suspensions ‘bitter’

Isko Moreno calls those spreading fake class suspensions ‘bitter’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel