Nakakikilabot na larawan ng magkakaibigan, nababalot pala ng nakakatawang kwento

Nakakikilabot na larawan ng magkakaibigan, nababalot pala ng nakakatawang kwento

- Nag-viral ang kakaibang larawan ng magkakaibigang babae na binahagi sa socmed

- Aakalain kasing may misteryong nababalot sa larawan ngunit ito'y purong katuwaan at katatawanan lamang

- Pumalo na sa 52,000 reactions at 41,000 shares ang naturang larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa una'y aakalaing nababalot ng kababalaghan ang larawang binahagi ni Bryan Dima-ala sa kanyang Facebook na mula kay Aidel Mariebeth Manzano.

Ito ay binubuo ng magkakaibigang babae na seryoso ang mukhang nagpakuha ng larawan maliban sa isang natatabunan ng kanyang buhok ang mukha.

Mukha rin kasing sinauna ang kuha ng larawan kaya nakadagdag lalo ito ng nakakatakot na appeal sa makakakita.

Larawan daw ito ng magkakaibigang sina Christine, Vida, Alexis at Genivie. Ito ay bilang souvenir daw ng natapos na panuruang taon.

Sinabi pa sa salaysay ni Bryan na aakalain daw sa umpisa'y walang nahagip na ibang tao sa larawan ngunit kapansin-pansin ang isa pang babaeng kasama ng apat na magkakaibigan.

Ito raw ay si Olivia. Di raw ito kaibigan ng iba pang babae sa larawan at inakalang class pictorial ito ng kanyang seksyon na kinabibilangan.

Kaya raw ganoon ang hitsura ni Olivia ay dahil mainit, mahangin at di raw ito nakapag-shampoo nang araw na iyon.

Kaya naman imbis na matakot, napatawa na lamang ang mga netizens na nakakita sa viral post na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"bwiset haha pa share"
"Grabe, natakot na ako e, sineryoso ko pang basahin... haha!"
"Haha! ang galing... kala ko nakaktakot story neto..."
"Nakakaloka to, akala ko namanold pic talaga..."
"Ang kulit! syempre ako naman binasa ko yung story tapos kalokohan lang pala. ayos ah!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel