Binatilyong sumugod sa nag-amok, nailigtas ang buong klase

Binatilyong sumugod sa nag-amok, nailigtas ang buong klase

- Dalawang estudyante sa STEM School Highlands Ranch sa Colorado ang nag-amok gamit ang baril

- Isang estudyante naman ang naglakas loob na sumunggab sa nag-amok dahilan para makaligtas ang kanyang mga kaklase

- Napatay ang binatilyong sumnggap at nagsilbing bayani upang mailigtas ang kanyang mga kaklase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabulabog ang t STEM School Highlands Ranch sa Colorado USA nang dalawa sa mga estudyante nito ay nagwala at nag-amok gamit ang dalang baril.

Ayon sa CNN, bago mag-alas dos ng tanghali noong Martes, Marso 7 naganap ang pamamaril na inaalam pa nila sa ngayon ang motibo.

Habang takot at balisa ang iba, isang matapang na estudyanteng nakilalang si Kendrick Castillo ang sumunggab at humara sa nag-amok. Ito ang dahilan para makaligtas ang iba pa niyang mga kaklase.

Sa kasamaang palad, nabaril at napatay si Kendrick na nagsilbing bayani ng kanyang mga kaklase.

Samantala, labis naman ang pighati ng kanyang mga magulang sa nangyari ngunit di raw nagtaka ang mga ito sa ginawa ng anak.

"I know that because of what he did, others are alive, and I thank God for that. I love him. And he is a hero and he always will be," pahayag ng ama ni Kendrick.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanonood lamang ang klase nina Kendrick ng "The Princess bride" sa kanilang British Literature class nang dumating ang estudyanteng may dalang baril.

Di nangdalawang isip na humara si kendrick gayundin ang tatlo pa niyang mga kaklase habang nagtatago at tumatakas ang iba pa.

Isa rito si Brendan Bialy na siyang nakatanggal ng baril sa kamay ng nag-amok ngunit agad niyang tiningnan ang kondisyon ni Kendrick dahil sa tama nito ng bala.

"Kendrick Castillo died a legend. He died a trooper, I know he will be with me for the rest of my life" pahayag ni Bialy.

Di man makapaniwala agad ang mga magulang ni Kenrick na wala na ito, pinagmamalaki naman nila ang kabayanihan ng kanilang anak na namatay sa pagmamalasakit sa nakararami.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel