Misis, napaluha dahil ang kabit ni mister ay ang 17-anyos na kapatid niya

Misis, napaluha dahil ang kabit ni mister ay ang 17-anyos na kapatid niya

- Isang misis ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action dahil sa pangangaliwa ni mister

- Ang masaklap pa ay mismong nakababatang kapatid niya ang kabit ng asawa

- Ilang beses na raw silang nag-usap pero paulit-ulit daw siyang niloko ng mga taong mahal niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Irish ay isang misis na dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang kanyang mister na si Michael, na may ibang babae.

Ang masakit sa lahat ay nakababatang kapatid niya na si Janella Gutierrez ang naging kabit ni mister.

Nalaman ng KAMI na ilang beses na raw na nag-usap si misis at ang kapatid, pati na kay mister, pero nauulit pa rin daw ang kanilang paglalaro ng apoy.

Nang makausap ni Tulfo si Janella, tinanong niya kung bakit nagkarelasyon ito sa asawa ng kapatid niya.

Sabi niya ay nahulog na rin daw siya. Nung nakatira pa raw ang ate't asawa niya sa kanila, sinabi raw ni Michael na kay Janella lang daw niya naramdaman ang pagmamahal at pag-aasikaso.

Isiniwalat ni Janella na mabulaklak daw magsalita si Michael at panay ang bigay sa kanya ng chocolates at pang-miryenda.

Dagdag pa niya, sa palengke raw sila nagde-date, at sa puntong ito ay napatawa si Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil isang ate, sinabi ni Irish na naaawa siya sa kapatid niya at gusto niya itong makapag-aral.

Humingi naman ng tawad sa kanya si Janella at sabi pa nga ni Idol Raffy, talagang ang mister ni Irish ang may kasalanan.

Isang minor, 17, ang kapatid ni Irish na puwedeng mapaglaruan.

Hinahanap pa si Michael dahil hindi siya makontak at halatang nagtatago.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel