Employee ID ni Manny Pacquiao noong 15 years old siya, nag-viral sa socmed

Employee ID ni Manny Pacquiao noong 15 years old siya, nag-viral sa socmed

- Viral ang employee ID ni Manny Pacquiao noong 15 years old siya sa social media

- Inalala ni People's Champ ang kahapon sa pamamagitan ng pagsiwalat ng kanyang trabaho at sahod noon

- Marami naman ang na-inspire sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Senador

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tumabo na sa halos 200k ang latest IG post ni Manny Pacquiao sa socmed dahil sa napaka-inspiring na mensahe nito sa kanyang 4.9 million followers at sa lahat ng netizens sa online world na spotted ng KAMI.

Hindi maikakaila ang magandang istorya ng buhay ng Senador na kinikilala bilang si People's Champ at sikat sa buong mundo bilang si Pacman.

Marami ang na-inspire sa tagumpay na naabot ni Manny pero higit sa lahat ay ang kabutihan ng puso nito na hindi nakakalimut sa kanyang nakaraan.

Kaya naman nang mag-post ito ng isang larawan ng kanyang old employee ID ng kanyang trabaho noong 15 years old siya ay mas lalong bumilib, humanga, at na-inspire ang mga netizens.

Isang inspiring bible verse ang kanyang sinipi pagkatapos isiniwalat ang kanyang trabaho at kita noong 15 years old siya habang wala siyang laban.

Ani pa ng Pambansang Kamao:

"My job when I was 15 years old when I didn’t have a fight was working as a construction worker for $4 per day. 'I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want.' Philippians 4:12"

Sa ngayon, prino-promote ni Manny Pacquiao kasama ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao ang kanilang foundation na 'Manny Pacquiao Foundation' na nagpahanga ng maraming netizens na una na naming ibinalita, kamakailan pa lang.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel