39-anyos na single mom, mayroong 38 na anak

39-anyos na single mom, mayroong 38 na anak

-Kung ano-anong trabaho na ang pinasok ng ginang na si Mariam para mairaos ang kanyang mga anak

-Hindi man kapani-paniwala, ngunit sa edad na 39 ay nagkaroon na siya ng 38 na supling

-Ito ay dahil sa isang kondisyon ng katawan ng isang babae na posibleng magdulot ng pagkakaroon ng maraming anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

39-anyos pa lamang ang ginang na si Mariam Nabatanzi, mula sa bansang Uganda, ngunit mayroon na siyang 38 na anak!

Tila imposible? Pero ang sitwasyon ni Mariam ay dahil sa kondisyong hyperovulation.

Ang kondisyong ito kung saan ang isang babae ay nagkakaroon ng multiple ovulations sa isang cycle.

Ang mga anak ng ginang ay binubuo ng anim na sets ng kambal, apat na sets ng triplets at limang sets ng quadruplets.

Sa kasamaang-palad, anim sa mga ito ay maagang pumanaw.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, 12-anyos pa lang nang ikasal si Mariam at isang taon ang nakalipas nang magsilang ito ng kambal.

Dito, napag-alaman ni Mariam na mayroon siyang unusually large ovaries at kung iinom siya ng birth control pills ay posibleng magkaroon siya ng sakit.

Dahil dito, agad na nasundan ang kanyang kambal ng ilan pang set ng kambal din hanggang sa nasundan pa muli.

Ayon sa isang article ng The Asianparent, karamihan sa mga babae nagpapalitan ang ovaries sa pagrerelease ng egg.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero para sa isang babaeng may hyperovulation, ay sabay na nagrerelease ang kaniyang ovaries ng eggs sa parehong cycle.

Ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon ay posibleng namamana o genetics. Posible ring magkaroon ng ganitong kondisyon ang isang babaeng mayroong PCOS.

Pagdaan sa medical treatment tulad ng IVF o pagtigil sa paggamit ng hormonal contraception.

Para naman kay Mariam, nagkaroon siya ng hyperovulation dahil sa kanyang unusually large ovaries.

Ganunpaman, kahit pa nga hirap sa pagtataguyod mag-isa sa kanyang mga anak, masaya pa rin si Mariam na nagagawa niyang mapag-aral ang mga anak.

Tatlong taon na rin kasi simula nang iwan sila ng kanyang asawa. Kaya naman pinasok na niya ang iba't-ibang trabaho kahit pa nga ang pangangalakal, maitaguyod lang ang mga anak.

Ang mga anak na lamang ang kanyang katuwang sa buhay at maging ang mga ito ay nagkukusa na rin tumulong sa kanya.

39-anyos na single mom, todo-kayod para sa 38 na anak

Photo source: Screen grab from The Asianparent
Source: Facebook

39-anyos na single mom, todo-kayod para sa 38 na anak

Photo source: Screen grab from The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Psy confirms the release of his comeback album on July

Psy confirms the release of his comeback album on July

Psy announces the release of his 9th album on July
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel