3 Good-looking Pinoy leading men, nakatanggap ng offer mula sa Hollywood

3 Good-looking Pinoy leading men, nakatanggap ng offer mula sa Hollywood

Pinag-uusapan ngayon ang tatlong nagwagwapohang mga Pinoy leading men sa Philippine showbiz na spotted na nakatanggap ng offer mula sa Hollywood.

Spotted ng KAMI ang trending balitang ito sa iba't ibang news source.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatanggap nga ng isang malaking offer ang tatlo sa sikat na Kapamilya actors mula sa isang American director at writer na si Bill Duke.

Ang naturang pag-alok ay naispatan at pinag-usapan sa Twitter world.

Saad pa sa balita ng philstar.com, inalok nga ng naturang Hollywood film director at writer ang tatlong good-looking Pinoy leading men para bumida sa kanyang international movie na may hashtag na #SpyMovie.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, kinontak ng direktor ang mga nagwagwapohang mga aktor kung kailan sila pupunta sa Los Angeles para pag-usapan ang naturang international project.

1. Richard Yap

At 2:33 AM, noong May 6, 2019, Lunes, nakatanggap sa naturang offer ang 'Be Careful With My Heart' at 'Sana Dalawa Ang Puso' leading man na si Richard Yap.

Nag-reply naman ito ng:

"It would be an honor to meet you Bill!"

2. Xian Lim

2:34 AM, naman noong parehong petsa at araw, natanggap ng good-looking reel at real leading man ni Chinita Princess Kim Chiu na si Xian Lim ang naturang offer.

Sagot naman ni Xian:

"Lets do it!!"

3. Enrique Gil

Sa parehong araw, sa oras na 2:37AM, ayon na rin sa timestamp ng Twitter, inimbitahan ng Hollywood director at writer si Enrique Gil.

Mukhang hindi pa nakikita ni Enrique ang naturang offer dahil wala pa siyang reply sa naturang tweet pero klarong-klaro ang pagka-excite ng mga fans lalong lalo na ang Lizquen nila ng reel at real girlfriend niyang si Liza Soberano.

Si Bill Duke ay nag-umpisa umano sa 1976 movie na 'Car Wash' bilang character actor at bumida rin sa mga pelikula na 'Commando' at 'Predator' katapat ang Hollywood superstar na si Arnold Schwarzenegger, ayon pa sa ulat ng news source.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee finally breaks her silence about the result of Pacquiao-Thurman fight

Jinkee finally breaks her silence about the result of Pacquiao-Thurman fight

Jinkee finally breaks her silence about the result of Pacquiao-Thurman fight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel