Wedding reception na puro pagkaing Pinoy ang handa, hinangaan ng mga netizens

Wedding reception na puro pagkaing Pinoy ang handa, hinangaan ng mga netizens

- Kinagiliwan ng mga netizens sa viral na wedding reception na puro pagkaing Pinoy ang handa

- Hinangaan ang bagong kasal dahil sa pagiging praktikal at bagaman simple ang handa ay tiyak namang nabusog ang kanilang mga bisita

- Umabot na sa 36,000 reactions ang naturang post sa tuwa ng mga netizens sa konsepto na ito ng bagong kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay nga namang nakakamangha ang kakaibang konsepto ng reception ng bagong kasal na sina Kikay at Dame sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Binahagi ng netizen na si Mary Jane Cabildo ang simple, praktikal ngunit tiyak na nakakabusog na mga pagkain sa wedding reception na ito.

Mayroong suman, kakainin, prutas, iba't ibang putaheng Pilipino ang masayang pinagsaluhan ng mga bisita.

Lahat ng pagkaing kanilang hinain ay puro pagkaing Pinoy kaya enjoy ang mga bisita dahil sa patok ito sa kanilang panlasa.

Ang nakatutuwa pa sa handaang ito, eco-friendly din ito dahil gumamit sila ng dahon at saha ng saging para naging plato at pati baso at straw ay mula naman sa kawayan.

Narito ang video ng kanilang reception:

Ayon sa ABS-CBN news, maging ang mga regalo na hiniling ng bagong kasal ay mka-Pilipino rin.

Kaya naman ilan sa kanilang mga regalong natanggap ay mga seedlings, pantanim na niyog, prutas, gulay at mayroon ding kape.

Natuwa ang mga netizens sa ngayo'y viral post na ito at ang iba pa nga ay nagkaroon ng ideya sa maaring gawin nila sa kanilang kasal.

Bukod sa bagong kasal, hinangaan din ang nag-ayos at nag-organisa ng reception dahil sa maayos na napalabas ang maka-Pilipinong konsepto na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow, amazing! Congratulations to the newly wed. I like this wonderful concept "
"Wow nice, filipino tradition. Congratulations best wishes"
"Wow nice and well organized eco wedding concept. Congratulations and best wishes"
"I love this eco friendly wedding set up!!! Congratulations and best wishes!"
"to the newly weds.. best wishes..unique and native style nice concept.."
"Best wishes to the newly weds and congratulations sa concept, planner, good jobs, a very Filipino traditions"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay robotic lead nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles

Pinay robotic lead nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles

Pinay nurse sa London, binigyang parangal ni Prince Charles
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel