Mga sikreto sa likod ng selfie ng isang dalaga, ibinunyag

Mga sikreto sa likod ng selfie ng isang dalaga, ibinunyag

-Close up o 'di kaya naman side view lamang ang makikita sa mga selfie ng dalagang si Jennifer sa kanyang social media account

-Ito ay dahil sa isang malaking sikreto na itinago niya sa publiko

-Ngunit, sa tulong ng isang programa at ng kanyang minamahal na sumusuporta sa kanya, nagawa nang ipakita ng dalaga ang kanyang lihim na itinatago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan lamang nang itinampok sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang istorya ng dalagang si Jennifer Lagrama na mula sa Negros Oriental.

Ang dalagang si Jennifer ay mayroong karamdaman, kung saan lumaki ang bukol mula sa kanyang leeg at kumalat na hanggang sa kanyang kanang braso.

Lawlaw na rin ang mga laman nito at bumukol na rin ang mga ugat roon.

Dahil dito, hirap nang kumilos ang dalaga at sinanay na rin ang sarili na gamitin ang kaliwang kamay lamang.

Hindi na rin nakatapos ng pag-aaral ang 27-anyos na dalaga dahil sa kanyang kondisyon at grade four lamang ang naabot.

Bukod kasi sa hirap gumalaw, nakakatanggap pa ng mga pangungutya si Jennifer mula sa ibang tao.

Ayon sa mga magulang nito, noong bata pa si Jennifer ay may napansin silang butlig sa leeg nito.

Hanggang ang butlig ay naging bukol na. Nang ipakonsulta nila ito sa ospital, sinabi sa kanila na tumor umano ito at kinakailangang maoperahan.

Ngunit dahil walang pera ang mag-asawang Lagrama, hindi na nila napa-opera ang anak hanggang sa tuluyan nang nilamon ng bukol ang kanang leeg hanggang braso nito.

Naging libangan naman ng dalaga ang social media at sa kanyang mga selfie, tanging close up o kaya naman ay side view lamang ang nagagawa ni Jennifer.

Ginagamit rin niya ang kanyang mahabang buhok upang matakpan ang bukol sa kanyang leeg.

Dahil sa social media, nakatagpo siya ng kanyang iibigin sa unang pagkakataon. Ngunit hindi nagtagal ay iniwan rin siya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang brokenhearted si Jennifer, isang text naman mula sa isang lalaki ang kanyang natanggap.

Mabilis naman daw silang nakagka-developan ngunit dahil sa takot na iwan muli siya, agad na raw niyang ipinagtapat ang katotohanan dito.

Ang binatang si Melchor, sinabing tanggap niya ang kalagayan ni Jennifer dahil sa pagmamahal rito.

Samantala, nang ipasuri ng programa si Jennifer, napag-alamang ang sakit nito sa leeg ay goiter habang ang nasa braso nito ay posibleng neurofibromatosis, isang genetic disorder sa nervous system.

Upang maipasuri pa at para sa operasyon na rin, nangangailangan ng ilang milyon ang pamilya ni Jennifer.

Kaya naman humihingi ng tulong ang dalaga sa mga may ginintuang puso para sa kanyang ikagagaling.

Hangad ng KAMI ang tuluyang paggaling ni Jennifer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaki na inireklamo ng ex, kinampihan ng netizens! Ex-GF niya, nabuking ni idol

Lalaki na inireklamo ng ex, kinampihan ng netizens! Ex-GF niya, nabuking ni idol

Lalaki na inireklamo ng ex, kinampihan ng netizens! Ex-GF niya, nabuking ni idol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel