Matandang tindero ng ice cream at balut, patuloy pa ring nagtitinda kahit malabo na ang mata

Matandang tindero ng ice cream at balut, patuloy pa ring nagtitinda kahit malabo na ang mata

- Hinangaan ng netizen ang lolo na masipag pa ring naglalako kahit malabo na pala ang mga mata

- Ice cream ang tinitinda nito sa umaga at balut naman sa gabi

- Natunaw ang puso ng mga netizens sa naturang post at walang ibang hangad kundi ang matulungan ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Crystalyn Asuque Alit ang mga larawang kuha niya sa matandang lalaking naglalako ng ice cream.

Ayon sa post naawa si Crystalyn si matanda lalo na at nalaman niyang malabo na pala ang paningin nito.

Halos nagkanda kuba na rin ito sa paglalako kaya naman lalong humanga ang mga tao sa kanya na walang hangad kundi ang matulungan ang matandang ito.

Hindi raw nagawa ni Crystalyn na alamin ang pangalan manlang ng naglalako dahil baka raw ayaw nitong kinaawan siya.

Gayunpaman, saludo raw ang nag-post dahil bukod sa pagtitinda sa ice cream sa umaga, naglalako rin daw ito ng balut sa gabi.

Matatarik pa raw ang dinaraanan ng matanda. Kahit hirap sa kanyang kondisyon, patuloy pa rin itong naghahanapbuhay.

Di lamang si Crystalyn ang nakakapansin sa kasipagan ng matanda. Maging ang ilang mga residente sa kanilang lugar ay humahanga sa kasipagan ng di pa napapangalanang matanda.

Gaya ng nag-post, nais din nilang matulungan ito upang di na maglakad-lakad pa para maglako.

Labis na delikado kasi ito lalo pa at malabo na ang kanyang paningin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"masipag tlga yan araw gabi ang trbho nyang matanda n yan sobrang cpag mmyang gabi balot nmn ttinda nya..."
"kawawa namn pero hinde awa ang nid ni tatay feeling ko kc x ung tipo ng Tao n ayaw kinakaawan .khit n d ko x nakausap.God bless po sau tatay"
"saludo po aq sau tay.."
"Lagi ko yan nkikita si tatay nakakaawa man pero wala akong maitulong kay tatay si GOD na po ang bahala sainyo tatay at sa mga taong gmagagandang puso na tutulong sainyo GODBLESS PO TATAY"
"Sana LNG maging way tong post ko pra may mkpansin kay tatay at matulungan."
"Madalas ko xang nakakasakay. . napaka sipag niya . . Kahit sira na ung tsinelas niya, ,ginagamit pa din niya . .binigyan ko xa Ng 50 nun pambili ng tsinelas Kaya Lang pambili na Lang daw niya Ng makakain nila . . ."
"C mang bitoy yan! kawawa malabo na mata nyan.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebrities at ang kanilang kumikinang na alahas

Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebrities at ang kanilang kumikinang na alahas

Pagandahan ng alahas! 12 Gorgeous Pinay celebs at ang kanilang kumikinang na alahas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel