Mga sakay ng naaksidenteng bus sa Atimonan, nabiktima pa ng pagnanakaw

Mga sakay ng naaksidenteng bus sa Atimonan, nabiktima pa ng pagnanakaw

- Isang trak at isang bus ang nagsalpukan sa Atimonan, Quezon

- Nasa tatlo ang nai-ulat na kumpirmadong patay habang 70 naman ang sugatan

- Nagawa pang pagnakawan ang mga naaksidenteng labis ang sama ng loob sa mga gumawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masama ang loob ng sakay ng naaksidenteng bus sa Atimonan, Quezon noong Lunes ng gabi, Mayo 6.

Ayon kay Peewee Bacuño ng GMA news, nakapanayam niya ang isang lalaki na sakay ng naaksidenteng bus.

Masama ang loob ng lalaki dahil sa imbis na makatulong ang mga residenteng pumunta sa lugar ng aksidente ay nagawa pang magnakaw ng mga ito.

Pera, pagkain at iba pang maaring pakinabangan ang kinuha sa ilang mga sakay ng naaksidenteng bus.

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN news, umabot ng 70 ang sugatan habang tatlo naman ang kumpirmadong patay sa salpukan ng bus at trak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Galing pa ng Pasay ang AMV Travel and Tours bus na papunta pa sana ng Samar habang ang nakasalpukan naman nitong trak ay mula pa Bicol at may kargang mga coco lumber.

Ayon sa drayber ng bus na si Maximo Leoriego, sa Laguna pa lamang nang malaman niyang may problema ang bus.

Tila tumugma naman ito sa pahayag ng pasaherong si Alma Camarines na bago daw ang aksidente, may naamoy siyang sunog na gulong.

Mahaharap si Leoriego sa kasong reckless imprudence resulting in multiplehomicide, multiple injuries, and damage to property.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel