OFW, sumulat ng liham at sinabing ang mister ang sanhi ng kanyang pagkamatay

OFW, sumulat ng liham at sinabing ang mister ang sanhi ng kanyang pagkamatay

- Isang OFW ang nag-iwan ng liham bago siya namatay sa isang hospital

- Inilathala niya sa liham na naging sanhi ng depresyon niya ay ang kanyang asawa

- Kung mamamatay daw siya, walang ibang sisisihin kundi ang asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang OFW ang gumawa ng liham kung saan inilathala niya kung paano siya naging depressed habang nagtatrabaho sa Saudi.

Nalaman ng KAMI na sa account ng FB user na si Cyra Dome Sonio Padawan, may nagpost ng liham ng namatay na OFW sa kanyang asawa at sinabing ang huli ang naging dahilan ng kanyang depresyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa liham na ibinilin sa nurse's station, nakalagay na di na raw niya nakakausap ang anak.

Pagkatapos niya raw ipadala ang lahat ay di na siya kinakausap ng asawa.

Eto pa nga raw ang gusto ng asawa niya na wala na siya sa Pilipinas.

Ayon sa nagpost, na-confine daw ang may-ari ng nasabing account sa King Fahad Hospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng nag-post, tinawagan daw niya ang asawa ng OFW dahil iyon ang nasa phonebook pero di makontak.

Dalawang pad daw ng gamot ang ininom ng OFW at coke ang kanyang ginamit na pantulak. Dahil di raw nakayanan ng katawan niya, kaya siya'y binawian ng buhay.

Sabi ng nag-post, sana hindi raw sinayang ni kabayan ang buhay niya dahil lamang sa asawa niya.

Pero ayon naman sa ibang netizens na nag-comment, hindi raw totoong nagpakamatay ang babae sa liham.

May isang nag-post at nagpakilala na siya raw ang totoong may-ari ng account at hindi raw siya nagpakamatay.

OFW, sumulat ng liham at sinabing ang mister ang sanhi ng kanyang pagkamatay

OFW, sumulat ng liham at sinabing ang mister ang sanhi ng kanyang pagkamatay (Photo: FB)
Source: Facebook

Hati ngayon ang netizens kung ano nga ba talaga ang katotohanan sa mga personalidad na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Related news
Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel