Seve, grabe ang iyak dahil nami-miss ang mommy na si Toni Gonzaga na nagho-host sa PBB

Seve, grabe ang iyak dahil nami-miss ang mommy na si Toni Gonzaga na nagho-host sa PBB

- Grabe ang iyak ni Seve dahil nami-miss ang mommy na si Toni Gonzaga na nagho-host sa PBB

- Sa 'Paano Ba 'To with Toni Gonzaga' vlog ni Bianca Gonzalez-Intal ay pinakita ng 'Host of all Hosts' ang video

- Makikita ang buhos ng luha ng 'Favorite Child Celebrity Endorser of the Year' dahil na-miss ang mommy na kasalukuyang nagtatrabaho

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang pinag-uusapang video kung saan makikita ang unico hijo nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na iyak na iyak dahil nami-miss ang nauna.

Sa pangalawang pagkakataon guest ni Bianca Gonzalez-Intal ang kanyang kaibigan at ka-Kuya's Angels na si Toni sa bagong vlog na pinamagatang 'Paano Ba 'To with Toni Gonzaga.'

At isa sa umagaw ng pansin ng ma netizens ay ang isang video na ibinahagi ng PBB Otso host sa nasabing vlog kung saan makikita ang kanyang one and only bundle of joy na si Seve na iyak ng iyak.

Maririnig sa naturang video ang paghahanap nito sa kanyang mommy Toni habang maririnig naman si Direk Paul Soriano na pinapaliwanag dito kung nasaan ang huli.

Seve:

"I want to do mama's check. Where are you mommy? I love you mommy. Let's go to mommy na."

Direk Paul:

"Say I love you mommy. Where are you mommy? She's just gonna go to PBB and come back."

Seve:

"Ah. Nooo!"

Hindi rin naman napigilan ang pagka-touch at pagka-relate ng maraming netizens sa naturang video.

Narito ang ilan sa mga komento na nakita namin sa socmed.

"Awww...he's such a sweet baby. Misses his Mom. Yup it is heartbreaking when they look for you experienced it too. I know the feeling."
"Cutie Seve...ang anak ko ganyan na ganyan din Ms. Toni...sakit sa heart"
" Relate much"
"Nadadala ako sa iyak ni Seve."

Si Severiano Elliott Gonzaga Soriano o mas kilala sa socmed bilang Seve at sa online world bilang Chambe ay ang unico hijo ng mag-asawang Direk Paul Soriano at Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga at pamangkin ng superstar vlogger na si Alex Gonzaga.

Kamakailan ay itinanghal ang sikat na celebrity baby bilang ang 'Favorite Child Celebrity Endorser of the Year' ng 'Kidlat Sinaya' at ng 'Face of Advertising and Marketing Excellence 2019' ng La Salle Dasma.

POPULAR: Read mor news about Toni Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel