Bahay kubo scene ni Thanos sa Avengers End Game, kinumpirmang kuha sa Pilipinas

Bahay kubo scene ni Thanos sa Avengers End Game, kinumpirmang kuha sa Pilipinas

- Kinumpirma ng production team ng pelikulang Avengers End Game na may kuha silang senaryo sa Pilipinas

- Sinasabing ito ay ang bahagi kung saan naninirahan ni Thanos sa isang kubo

- Mas lalong ikinatuwa ito ng mga Marvel fanatics dito sa bansa dahil sa pagkilala nito sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang mga Filipino fans naging proud nang kumpirmahin ng Marvel Studios na may kuha silang senaryo dito sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Star, matatandaang sa Avengers: Infinity war pa lamang ay nakita nang namahinga si Thanos sa Rice terraces sa ating bansa.

Sa Facebook page ng international production team ng Marvel na Indochina, nagpasalamat silang kabilang ang Pilipinas sa mga lokasyon ng sikat na pelikula.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Super proud to have been part of AVENGERS: END GAME and also get credited for our work in The Philippines,” ang caption ng post ng Indochina productions.

Kinumpirma rin nila na ang aerial shot kung saan naroon ang tinutuluyang bahay kubo ni Thanos ay ang shot sa Pilipinas.

Ang di lamang sinabi ay kung nagtungo pa talaga ang mga Hollywood actors dito sa ating bansa.

Ang Avengers End Game ang maituturing na may biggest opening day record sa Pilipinas. Ito ay tumatabo na sa takilya ng halagang Php937,521,966mula unang araw hanggang ngayon at showing pa rin ito sa mga sinehan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga gamit sa eskwela sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel