95 anyos na lolang namumuhay mag-isa, inulan ng tulong matapos mag-viral

95 anyos na lolang namumuhay mag-isa, inulan ng tulong matapos mag-viral

- Minsan nang nag-viral ang paghingi ng tulong ng netizen na si Mark Quilicot para kay lola Magdalena

- Nakilala ni Mark ang matanda nang manghingi ito ng makakain sa kanila at doon nila nalaman ang kalunos-lunos nitong kalagayan

- Binahagi ng ilang netizen na matapos mag-viral, masigla na ang 95 anyos na lola dahil sa mga tulong na nakaabot sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinanawagan ng netizen na si Mark Quilicot ang isang 95 anyos na matanda na namumuhay na lamang mag-isa.

Ayon sa post ni Mark, nakilala nila ang matandang si lola Magdalena nang minsan itong nanghingi sa kanila ng makakain.

Doon nila nalaman na mag-isa na lamang namumuhay si lola Magdalena dahil maagang pumanaw ang kanyang asawa. Ang nag-iisa naman niyang anak ay nauna na ring pumanaw sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakita nina Mark ang kalunos-lunos na kalagayan ng matanda kaya naman binahagi nila ang mga larawan nito upang makahingi ng tulong.

Ilang linggo matapos mag-viral ang post, may ilang netizen na nagbahagi ng kalagayan na ni lola Magdalena.

May mga nagmagandang loob na tumulong sa matanda kaya maayos na itong nakakakain.

Nagmalasakit din ang kapitbahay niyang Australian at pinagawa pa nito ang tirahan ni lola Magdalena.

Kahit na paano'y nanumbalik muli ang sigla kay lola dahil sa mga mabubuting puso na nagpaabot sa kanya ng tulong.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel