Dalagitang walang sapatos, gold medalist pa rin ng Palarong Pambansa

Dalagitang walang sapatos, gold medalist pa rin ng Palarong Pambansa

- Nanguna pa rin si Lheslie De Lima sa 3000m run sa kabila ng kawalan ng sapatos

- Pinilit naman siya ng kanyang coach na magsuot ng sapatos ngunit nabibigatan daw siya

- Nais pa ring niyang magkaroon ng dalwa pang gintong medalya mula sa Palarong Pambanas ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang runner na pambato ng Bicol na si Lheslie De Lima kung saan nag-uwi pa rin siya ng gintong medalya mula sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao city.

Ayon sa Inquirer.net, nasungkit pa rin ni De Lima ang gintong medalya sa 3000m run ng girl's division secondary sa loob lamang ng 10 minuto at 22 na segundo.

Nauungusan niya ang pambato ng Northern Mindanao na si Camila Tubiano na nakakuha ng silver medal.

Kwento ng coach ni De Lima, binibigyan niya ito ng sapatos na maaring magamit sa kompetisyon ngunit nabibigatan daw ang mananakbo.

Sa dalawa pang natitirang laban ng 15 anyos na si De Lima, sinabi niyang di pa rin daw siya gagamit ng sapatos.

“I’m fine running without shoes, I’ll try my best to win two more gold medals,” ayon sa Grade 9 student ng Baao National High School

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapansing nilagyan lamang niya ng plaster ang kanyang mga paa bilang proteksyon sa kanyang talampakan at maayos pa rin siyang makatakbo.

Marami talaga ang humanga sa dalagitang ito dahil sanay na pala talaga siya mag-paa na tumatakbo kahit sa ensayo pa lamang.

Samantala, di makapaniwal ang ilang netizens sa katatagan na ito ni Lheslie. Tunay na wala raw sa mahal o tatak ng sapatos masusukat ang tagumpay lalo na sa mga patimpalak na tulad ng sinalihan ni Lheslie.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May. Ganyan na player. Hindi sanay mag suot ng sapatos. Baka matalo pa cya pag nakasapatos. Marami na akong nakitang mga tumatakbo. Lalot galing sa probinsya.congrats sanay Cyang. Naka paa."
"Taga bundok man o taga ciudad ang issue dito ay pagiging "comportable nya" aanhin mo ang magarang sapatos kung hindi naman comportable ang magsusuot!"
"3gold lahat ng sinalihan nya gold nakuha"
"Wow relate ako sa kanya.. Nun nasa elementary ako sumasali ako sa ganito na walang sapatos kasi mas mabagal takbo ko kapag naka sapatos ako kaya tinatanggal ko siya.."
"Whatever...congrats nagbigay ng karangalan sa atin kht sa mga humusga sa kanya hindi naman hiningi ang opinyon marami p insulto"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel