Ex ng single dad na ipinaglalaban ang custody ng inalagaang anak, may buwelta

Ex ng single dad na ipinaglalaban ang custody ng inalagaang anak, may buwelta

- Naging viral ang post ng isang single dad na ipinaglaban abg custody ng kanyang anak

- Marami ang nakisimpatiya sa kanya dahil sa sinasabing pagiging unfair ng batas

- Gayunpaman, ibinunyag ng ina ng bata ang ilan sa mga naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang ama ang nagpost sa Facebook tungkol sa kung paanong inalagaan niya diumano ang baby sa loob ng mahigit dalawang taon. Ikinasama ng loob niya na mapupunta sa ina ang kustodiya gayung siya diumano ang nag hirap.

Marami ang naantig dito sa kuwento niya at agad na nag viral ang Facebook post niya. Gayunpaman, sa ngalan ng patas na pamamahayag, minabuti ng KAMI na ibahagi din ang pahayag ng ina ng bata na kasalukuyang nakakatanggap ng panghuhusga.

Narito ang naging tugon niya sa nag viral na post ng kanyang dating karelasyon.

Pabayang ina? Yan ung mga walang ginagawa para sa anak nila! 2yrs wla sa tabi ko? Eh 2yrs and 3months plang anak ko ano un pagkaluwal ko at pagkaalaga ko sa sinapupunan ko iniwan ko nlng senyong parang pusa? Bkt hndi mo ikwento sakanila na wla pang isang buwan yan sinabi ko n sayong buntis ako ano ginawa mo? Pinapalaglag mo minumura mo ako kung ano ano sinasabi mo na hindi ikaw tatay ng anak ko eh ikaw lng nmn nakagalaw sakin binlocked mo ko so ako di na kita hinabol dhl nasaktan ako sa mga sinabi mo

Minabuti na diumano niyang mag ipon upang makalayo na lamang sa ama ng bata. Gayunpaman, nalaman iyon ng pamilya niya at pinilit daw siya na ipakilala ang baby sa kanyang ama.

pagkatapos ng lahat hanggang sa nagwork ako nagipon ako ng pera para may baon ako para sa paglyas ko dhl balak ko lumayo kya tinago kong buntis ako natakot ako syempre at nahihiya ako sa sasabihin ng iba hanggang sa nalaman ng pamilya ko pinilit nila ko ipakilala ka sa anak ko tanggapin man o hndi hanggang sa nakausap ng pamilya ko ang pamilya mo hanggang sa okay na nagkasundo na ang sabi susuportahan niyo nang ako nag aalaga tas eto ka nakikipagbalikan para sa bata so okay na tumira kami sa inyo okay din

Wala daw siyang naging problema sa pamilya nito dahil mababait ngunit puro diumano bisyo ang ama ng kanyang anak.

nmn mababait mga magulang mo sakin pero ano ginawa mo puro ka bisyo nambabae ka pa at may nabuntis hnggng sa umalis ako jan kht sabi ng nanay mo hayaan ka lng magbabago ka rin eh hindi ko na kinaya kaya umuwi na kami kinausap nmn ako ng nanay mo na instead iba mag alaga eh sila nlng hanggat nagwowork ako hiramin ko nlng pag day off ko at paggusto ko so okay nmn nagkakahiraman nmn tas ngayon gusto niyo sa puder niyo lng pagnamimiss ko ako nalng pupunta jan di nmn pwede un pagnasakin bata ako ang bumibili ng gatas dun jan tas ngayon heto kau pinapalabas na 2yrs akong wla sa tabi ng anak ko tas hinahabol ko sustento niyo?

Sinagot na rin niya ang pagkakaroon niya ng iba. Matagal na rin naman daw silang hiwalay.

Masyado nmn kau sinungaling kht mahirap ako di ko kau hiningang kayo pa nga tong nananapak laging dhlan ano ipapadede ko sa ank ko maawa nmn ako kaya naoblig ako n nanjan ng matagal at matagal na kami hiwalay wla na ko pkeelam kung ano gawin niya sa buhay niya so bkt pati anak ko sa iba pinapakeelaman niya eh ang concern ko lng ngayon eh ang anak ko sa kanya?

Ayon pa kay Rachelle De Jesus Cayabyab, nagkaroon na sila ng kasunduan sa baranggay tungkol sa kanilang magiging setup ngunit hindi din niya nagustuhan ang mga sinasabi ng kampo ng lalaki laban sa kanila.

Di ko nmn pinagdamot ah naghihiraman at may kasunduan nmn kami sa brgy di nila tinutupad lagi nila dhilan magkakagalis dito makakaamoy ng baho mahahawa ng masama ugali tama po ba un? Yung sinasabihan nilng mabaho patay na nkaburol na hiniram ng pamilya ko ng maayos anak ko ano sbi nila? Bkt kukunin pa anak ko wla nmn daw magagawa sa lola ko di nmn daw mabubuhay na un tama ba un eh apo nun anak ko? Binastos na nga nila pinahirapan pa nila makuha ko anak ko kaya ngayon decided na ko na makuha anak ko kht anong pakiusap nila ..sa mga naniniwla jan na 2yrs wla sakin anak ko mali po kayo nang pniniwla bagkus puro kasinungalingan siya kasi alam niyang talo siya at ako ang pinanigan ng batas oo marami ako pagkukulang pero di nmn po tama na sakin lahat ang sisi eh nagipit at inipit lng nila ko , ang mahalaga nasakin na ang anak ko ang ganti lng sakin ngayon eh nasira ako sa mga mata niyo..yun lamang po salamat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala narito naman ang naunang post ni Mendoza.

Nawa ay magkaayos ang dalawang panig at magkasundo na lamang sa magiging setup nila para na rin sa kanilang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is Kulangot In English? | HumanMeter

HumanMeter continues to ask tricky questions in the streets of the Philippines. We will try to find out how many respondents can answer the question, "What Is Kulangot In English?" Click "Play" and watch our new Tricky Question Challenge on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan

"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan

"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel