Linyang "I love you,3000" ng Avengers Endgame, mula sa mga anak ni Robert Downey Jr.

Linyang "I love you,3000" ng Avengers Endgame, mula sa mga anak ni Robert Downey Jr.

- Sinabi ng scriptwriter na ang popular na linyang "I love you, 3000" ay mula sa mga anak ni Ironman

- "I love you tons" daw ang orihinal na linyang kasama sa script ngunit mas minabuti nilang gamitin ang "I love you, 3000"

- Bago pa ito ibinunyag, inakala ng ilang Avengers fans na ang "3000" ay mula sa kabuuang minuto ng lahat na Marvel movies mula umpisa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas lalong nakadagdag ng appeal sa pelikulang Avenger's Endgame ang linyang "i love you, 3000" na ngayong ay popular nang sabihin.

Ayon sa inquirer.net, binunyag ng Screenwriters na sina Christopher Markus and Stephen McFeely sa panayam sa kanila ng 92Y, mula sa mga anak mismo ng "Ironman," Robert Downey Jr. ang linyang ito.

"I love you tons" ang nasa orihinal na script ngunit pinayagan nila si Downey na gamitin ang linyang ginagamit niya sa kanyang sariling mga anak na "I love you, 3000."

Samantala, bago ito ibunyag ng mga scriptwriters ng Avengers Endgame, inakala ng mga Marvel fanatics na nagmula ang 3000 sa kabuuang minuto ng lahat na Avenger's movie.

Samantala, isang twitter user naman ang napaliwanag ng emosyonal na linya ni Ironman sa anak niyang si Morgan. Nang sabihin daw ni Ironman na "I love you tons" at ito katumbas ng 2,000 pounds, sumagot ang bata ng "I love you, 3000."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanganghulugan lamang daw na mas mahal ni Morgan ang amang si Ironman.

Ang “Avengers: Endgame” ay ang huli at ika-22 na pelikula ng Marvel Cinematic Universe. Pumalo na ng nasa $2 billion ang kinita ng pelikula.

Dahil dito, pasok sa ikalimang pwesto ang pelikulang ito bilang highest grossing film of all time base sa Box office Mojo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel