10 propesyunal na mga anak, nagbigay pugay sa kanilang inang naitaguyod sila ng maayos

10 propesyunal na mga anak, nagbigay pugay sa kanilang inang naitaguyod sila ng maayos

Sa nalalalapit na Pagdiriwang ng Mother's day, isang anak ang nais magbigay pugay sa kanyang ina.

Labis kasing humanga si Melph Suero Prado sa kanyang nanay Amy na buong tapang na naitaguyod silang 10 magkakapatid sa tulong ng kanilang tatay.

Kahit may karamihan silang magkakapatid, maayos silang lumaki at pawang naging propesyunal pa lahat.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ganun na lamang ka-prous ang magkakaptid lalo na si Melph dahil kahit di nagkaroon ng sariling diploma ang kanilang ina, di nila ito binigo sa paulit-ulit nitong pagpanhik sa entablado tuwing pangangaralan silang magkakapatid.

Saludo si Melph ka sa kanyang nanay Amy kaya nais niyang malaman ng buong mundo ang kahanga-hangang ginawa ng kanilang nanay Amy para sa kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng liham ni Melph na binahagi niya sa KAMI:

Hi Kami.

As mother's day is fast approaching,gusto ko pong ipagmalaki ang Nanay Amy ko,not to boast but to be very proud of,and of course sa tulungan nlang dalawa ng namayapang tatay ko.

Si Nanay Amy ko po ay di mn lng nakatapos ng Elementary nya,di nya naranasan umakyat nang entablado para tumanggap ng diploma nya at wala syang kayamanang maipamana sa amin, pero alam ko,super proud sya dahil di man sya nakaakyat sa entablado pero proud sya na 10 times syang umakyat sa entablado para samahan kami sa pagtanggap ng aming mga anak nya ng diploma.

10 times umakyat ng Elementary,at to add sa pagka proud Nanay nya,with matching honor awards pa...

10 times din umakyat ng High School graduation,at mostly with honors din

10 times din umakyat ng college graduation,ung Isa di nya natapos college nya,pero ung Isa nka 2 akyat dahil 2 courses sya.

Bachelor degree pa lahat na 9 kaming ngtapos, 2 nakatapos ng BS Mechanical Engineering, BS Accountancy, BS Computer Science, BEEd, ECE, BS Architectural Drafting, BS Information Management at BS Nursing.

10 kaming magkakapatid,mahirap lang din kami,at sa sitwasyon namin,kung di lang sa tamang pagpapalaki Nila Nanay at Tatay,di kami makakatapos ng aming pag aaral.

10 propesyunal na mga anak, nagbigay pugay sa kanilang inang naitaguyod sila ng maayos

source: supplied
Source: UGC

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi man si Nanay nkatanggap ng sariling diploma nya,lahat ng diplomang natanggap nya Kasama namin ay alay at para sa kanila ni tatay din lahat iyon.

Wala man syang kayamanan na maipamana sa amin,ang tamang pagpapalaki,na gabay din namin sa pagpapalaki sa aming mga anak,at ang pagpapatapos sa aming pag aaral,ay Isa na sa pinaka mahalagang kayamanan na naipamana sa amin.Inihanda nya kami para sa aming kinabukasan na makakayanan naming harapin.

Hindi ko pa po Ito nasasabi sa kanya , "I'M SO PROUD OF YOU NANAY AMY, THANK YOU SA TANAN TANAN NGA SAKRIPISYO NGA GINHIMO MO PARA SA AMON!I LOVE YOU SO MUCH.SANA BLESS KA PA NI GOD NG MORE AND HEALTHY LIFE PARA MABALIK KO ANG TANAN NGA GINHIMO MO NGA PAGSAKRIPISYO PARA SA AMON."

Kaming 10 mong mga anak,6 na manugang,10 apo ay super proud po sa inyo kahit di po namin masabi yon.Di mn tayo magkakasama ngayon,darating din ang araw na makapagtipon tipon din tayo..hoping for that day will be soonest.

Hanggang dito na lang po.

Maraming salamat po...pag na post po Ito,this will be one of the ways na maipapadama sa Nanay Amy namin ang pgka proud namin sa kanya.

Happy Mother's Day Nanay Amy: sya po yung naka pink

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel