Bangkay na nakasilid sa sako, kinilalang holdaper sa viral video

Bangkay na nakasilid sa sako, kinilalang holdaper sa viral video

- Isang lalaki ang natagpuang patay at nakasilid sa sako sa Malabon

- Kinilala ang lalaki sa viral video na kuha sa dashcam ng taxi na kanyang na-holdap

- Nakita ang tattoo sa lalaki na siyang pinagbasehan ng pulisya sa pagkumpirma na ito ang holdaper sa dating viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakasilid sa sako sa Malabon.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil ng GMA news, nagmistulang basura ang lalaki na natagpuan sa kanto ng Tuazon at Araneta Street sa Barangay Potrero.

Sa pagsusuring sinagawa sa bangkay, natagpuan ang ilang tattoo sa katawan ng lalaki at isa na rito ay ang "commando."

Ito raw ang naging basehan ng pulisya na may posibilidad na dating nakakulong ang lalaking ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"I think it's a group sa loob ng kulungan grupo-grupo 'yun. 'pag nasa loob ka kailangan mo patatak to be a member of the group," pahayag ni Police Colonel Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City police.

Tumugma rin di umano ang tattoo na nakita sa lalaki sa tattoo ng holdaper nasa viral video noon na kuha sa dashcam ng taxi na nabiktima nito.

Nagtamo ng saksak ang lalaki at inaalam din kung kasangkot ito sa anumang krimen.

Matatandaang una na itong naiblaita ng KAMI kung saan buong tapang na nagawa ng lalaking ito na holdapin ang driver gayung alam niyang may dash cam ang taxi na kanyang nabiktima.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel