Medical doctor, isa sa mga nakapasa sa 2018 bar exams

Medical doctor, isa sa mga nakapasa sa 2018 bar exams

- Isa ang medical doctor na si Jean Joan Polido na nakapasa sa 2018 bar examinations

- Marami ang humanga sa doktora na ito na pinangarap pala talagang maging abogado

- Balak niyang maging medico-legal kung saan magagamit nga naman niya ang pareho niyang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang medical doctor na si Jean Joan Polido dahil ngayon, bukod sa pagiging doktor, abogado na rin siya.

Ayon sa GMA news, isa si Atty. Jean Joan Polido M.D. sa 1,800 na nakapasa sa 2018 bar examinations.

Nalaman ng KAMI na ninais talaga ni Jean na maging abogado ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang na siya'y maging doktor, pinagbigyan niya ito.

Nagtapos siya ng kursong medicine sa University of Santo Tomas noong 2011 bilang 'cumlaude'.

At dahil matagal na niyang pinangarap na maging isang abogado, pinagpatuloy niya ito at nag-aral siya sa Arellano University.

Laking pasalamat niya na umayon ang schedule ng kanyang klase sa tulad niyang mayroon nang trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod pa rito, isa na siyang may bahay at ina ng dalawang supling kaya naman di rin biro ang kanyang mga pinagdaanan makamit lang ang kanyang minimithing propesyon.

Malaking tulong din ang binibigay na suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanya kaya naman maayos niyang nalalampasan ang mga pagsibok sa pagpupursige ng law.

Balak na niya ngayong maging isang medico-legal kung saan magagamit niya pareho ang kanyang propesyon.

Payo ni Jean, "Kung may pangarap ka, pag nahihirapan ka na, laging mong tatandaan kung ano ba ang pangarap mo at kung para kanino ka nangangarap. Pray to your God and He will do the rest. Obstacles make the success sweeter. Laban lang! #WhateverItTakes"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel