Bagong ad ng McDo para sa Mother's day, pinaluha ang marami

Bagong ad ng McDo para sa Mother's day, pinaluha ang marami

- Agad na nag-viral ang bagong advertisement ng Mc Donald's para sa nalalapit na selebrasyon ng Mther's day

- Marami na naman ang naantig sa tema ng video patungkol sa single mother

- Hinangaan na naman ng karamihan ang nakaisip ng konseptong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang bagong ad ng Mc Donald's para sa nalalapit na Mother's day celebration ngayong Mayo.

Makikita sa video na binahagi ng Mc Do sa kanila mismong Facebook page ang mga 'buong pamilya' na kumakain sa fast food chain na ito.

At ang pinakahuli ay ang mag-ina na ikinalat ang french fries sa tray upang makain nang maayos.

Naging emosyonal ang mga susunod na pangyayari lalo pa nang sabihin ng bata na tila may kulang sa binubuo niyang 'french fries family' na sumisimbolo sana sa kanila.

Mapapansing mangiyak-ngiyak na ang single mom na inakalang naghahanap ng ama ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking gulat niya nang mabuo ng bata ang french fries family na kanyang ginawa sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolo ng bubong at nagmistulang simbolo ng tahanan ito sa kanilang mag-ina.

Marami ang pumuri sa konsepto na ito ng McDo lalo pa at dapat ding bigyang pugay ang mga inang mag-isang nagtataguyod sa kanilang mga anak sa anumang kadahilanan.

May caption ang naturang post ng Love Kita, Ma, Para sa mga nanay na kumukumpleto ng ating buhay. #LoveKitaMa #HappyMothersDay."

Sa loob lamang ng anim na oras pumalo na agad ang views nito sa halos 60,000.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga estudyante

Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga estudyante

Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga estudyante
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel