Bar topnotcher, determinadong maging boses ng LGBT community

Bar topnotcher, determinadong maging boses ng LGBT community

- Aminado ang bar topnotcher na si Sean Borja na isa siyang niyembro ng LGBT

- Nakaranas siya ng pangungutya noong siyang nasa elementarya pa lamang dahil isa siyang binabae

- Naniniwala si Sean na ang pagiging topnotcher niya sa bar ang magiging susi niya upang isulong ang mga karapatan ng mga tulad niyang LGBT

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halo-halong emosyon ang nadama ng mga nakapasa man o hindi sa 2018 bar examinations.

Lalong-lalo na ang topnotcher ng taon na mula sa Ateneo de Manila University na si Sean Borja.

Nalaman ng KAMI Na nakakuha si Sean ng average na 89.3 at nagnuna sa 1,800 na pumasa mula sa 8,154 na kumuha ng eksaminasyon.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN news kay Sean, aminado itong isa siyang miyembro ng LGBT community.

Katunayan, nakaranas umano siya ng pangungutya ng kanyang kaklase noong siya ay nasa elementarya dahil lamang sa pagiging pusong babae niya.

Kaya naman ang pagiging bar topnotcher niya ay isang magandang opotunidad para sa kagaya niyang miyembro ng LGBT.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan na niya itong nabanggit sa isa niyang Facebook post noong taong 2017 pa.

"For a long time, I was made to believe that members of the LGBT community could never be anything beyond mere providers of entertainment. The moment we come out, we will never make CEO, President, or Senior Partner. After all, society itself has charted our destiny to become marginalized, second-class citizens," nai-sulat ni Sean.

Determinado rin si Sean na maging boses ng LGBT community at isulong ang mga karapatan ng tulad niya.

Nakaramdam man noon ng pagdududa sa sarili niyang kakayanan, napatunayan niyang napagtagumpayan na niya ito ay masaya na siya sa kanyang sarili.

At ngayong ganap na abogado na siya, nais lamang niyang maging boses ng mga nawawalan ng loob na ipaglaban ang kanilang karapatan.

“Provide a voice for people who don’t necessarily have that. In the sense that not everybody might have the courage to speak up what their rights are or what they want,” panapos ni Sean.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel