Natizens, awang-awa kay Nanay sa kanyang sinapit matapos palakihin ang mga anak

Natizens, awang-awa kay Nanay sa kanyang sinapit matapos palakihin ang mga anak

- Naging viral ang kuwento ng magkapatid na nakaalitan ang kanilang ina

- Pinanggigilan ng mga netizens ang naging asal ng isa sa dalawang magkapatid na siya ding sumampal diumano ng tsinelas sa kanilang ina

- Marami naman ang naantig sa pinamalas na pusong ina ng kanilang nanay na si Maria Magdalena Austria

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit na usapin sa social media ang kuwento tungkol sa isang matandang babae na lumapit sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong. Marami ang nagulantang nang ibunyag nito na nagawa siyang sampalin ng tsinelas ng kanyang sariling anak dahil lamang diumano sa pagkain.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, nanatiling mapagmahal ang ina at mas piniling makipag-ayos sa kaniyang mga anak. Kahit si Raffy Tulfo ay hindi napigilang mapikon nang makausap niya sa pamamagitan ng phone patch ang magkapatid.

Ito ay matapos mag set ng kondisyon ng bunsong anak nitong si Kren Austria na ngayon ay trending sa social media.

Kahit ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho ay pinadalhan ng mensahe ng mga galit na netizens bilang pagpapakita ng protesta sa kanyang ginawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, marami ang bumilib sa kanilang ina dahil pinipilit nitong makipag-ayos sa kaniyang mga anak at kinailanagan niyang magpakumbabab at humingi ng tawad sa mga ito nang magkaharap sila sa baranggay.

Emosyonal ito na nagpasalamat kay Raffy ngunit may isang bagay siyang napatunayan, "Napatunayan ko sa sarili ko na hindi makakatiis ang magulang sa isang anak pero ang anak nakakatiis sa magulang. Napakasakit po nun sir Raffy."

Panoorin ang video ng kanilang paghaharap dito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Blackpink: Kill This Love Dance Prank | HumanMeter

Check out the public prank video filmed in the Philippines. Watch us do the Blackpink's Kill This Love Dance Prank in public. Some people laugh, some are shocked, others just don't care at all. Enjoy!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel