Mga Chinese nationals, 'di pumila sa NAIA! Tila proud pa raw sa ginawa

Mga Chinese nationals, 'di pumila sa NAIA! Tila proud pa raw sa ginawa

-Limang Chinese nationals, hindi raw pumila sa pre-departure area ayon kay Civil Service Commissioner Aileen Lizada

-Nagtatawanan pa raw ang mga ito at tila proud pa sa kanilang ginawa

-Ani Lizada, hindi magandang tignan na habang ang mga Pilipino ay sinusunod ang mga patakaran sa bansa, ang mga dayuhan naman ang tila umaabuso rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagustuhan ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada ang kanyang naging karanasan sa NAIA nito lamang Huwebes ng umaga sa loob ng NAIA.

Kwento ni Lizada ayon sa ulat ng Inquirer, papasok siya sa pre-departure area kung saan kinakailangang pumila ng bawat pasahero.

Ayon dito, lahat ng mga naroon ay maayos na nakapila nang biglang may dumating na mga Chinese.

“Papasok po ako sa pre-departure na area, lahat po ng mga Pilipino ay properly pong naka-pila, pati po ako naka-pila po ako.

"Out of nowhere, four to five what appeared to be mga Chinese nationals, sumuong po sa ilalim no’ng parang barrier,

"They were all laughing and they were all looking at us, and dumeretso po sila sa x-ray (machines),” anito.

Bagamat hindi niya nakuhanan ng video ang insidente, humingi naman daw si Lizada ng kpya ng CCTV doon.

“It does not look good on us that’s why sinabi ko ho sa OTS (Office of Transportation Security), and OTS immediately took action.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"‘Yon lang ho ang point ko dito is we have our laws, na pinapasunod ho natin sa lahat na ho ng mga Filipino citizens, they (foreigners) are not above the laws,” sabi pa nito.

“Kasi mukhang hindi ho maganda na tayong mga Pilipino sumusunod sa ating batas and we just allow ‘yong mga foreigners na kagaya ho no’ng gano’n na hindi sundin ‘yong ating mga patakaran,” dagdag pa ng Commisioner.

“Nakita ko ho how blatantly and how happy pa sila at proud na hindi sila sumunod, na hindi sila pumila."

Sa kasalukuyan, mainit pa rin ang isyu tungkol sa pang-aagaw umano ng mga China sa ating teritoryo.

Marami rin ang bumabatikos sa "pagkakaibigan" ng mga lider ng Pinas at China.

Ngunit dahil dito tila maraming Tsino ang nasasangkot sa mga eskandalo o pang-aabuso sa bansa.

Noong Pebrero, isang Chinese exchange student ang inaresto dahil sa pagsaboy nito ng taho sa isang pulis sa MRT na naiulat rin ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel