Pinay runner, binigay ang silver medal niya sa na-disqualify na kalaban

Pinay runner, binigay ang silver medal niya sa na-disqualify na kalaban

- Hinangaan si Abegail Manzano, ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Arafura Games dahil sa pagbibigay niya ng medalya sa kalaban

- Kinagulat din ng kalaban niyang taga- Australia ang ginawa na ito ng Pinay

- Proud naman ang mga Pinoy sa ginawa na ito ng mananakbo at pagpapakita raw ito ng tunay na pagkapanalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang ginawa ng 19 anyos na Pinay na pambato ng ating bansa sa takbuhan sa 2019 Arafura Games.

Ayon sa spin.ph, binigay daw ng atletang si Abegail Manzano ang silver medal niya sa na-disqualify na taga-Autralia na si Makayla Siddons.

Nalaman ng KAMI na si Siddons sana ang second placer ngunit lumabas na nagkaroon ito ng lane infringement dahil upang ma-disqualify siya sa women’s 800-meter run.

Di naman nagdalawang isip si Manzano na ibigay ang medalya kay Siddons na para sa kanya ay tunay na panalo.

“I never met anyone who would just willingly give away their medal like that to me,” pahayag ni Siddons.

“When she offered it, I teared up and got very emotional and I had just the biggest smile on my face. I didn’t know what to say. I was so shocked and just (thinking) no one would ever do that. She is so nice and such a good sport … I was very emotional and teared up, and wanted to cry and I hugged her for a long time,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinagulat din ito ng pambato ng Australia dahil di raw basta-basta ang ibigay ang isang karangalang nasa iyo na. Dahil dito, hinangaan niya si Manzano.

Paliwanag naman ni Manzano, nakita niya ang determinasyon ni Siddons upang masungkit ang medalya kaya naisipan niyang ibigay ito.

“Nakita ko po ‘yung eagerness niya na manalo sa event na ‘yun,” said Manzano. “Ako po, hindi ko binigay ‘yung 100 percent ko kasi pagod na rin po ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ‘yung silver at gusto ko pag tinake ko ‘yung medal, gusto ko pinaghirapan ko” pahayag ni Abegail.

Ayon pa sa mabuting Pinay, masaya na siya at para na rin siyang nanalo muli ng gintong medlya nang makita niya ang kasiyahan ni Siddons.

Samantala, nagkamit na ng dalawang gintong medalya at dalawang silver medalsi Manzano bago pa ang 800-meter run na ito.

Si Abegail ang MVP ng UAAP Season 81 juniors athletics meet.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Seaman, pinagpalit ni misis kay general pagkatapos bigyan si misis ng pamparetoke

Seaman, pinagpalit ni misis kay general pagkatapos bigyan si misis ng pamparetoke

Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel