Asong sumisisid sa dagat para kunin ang mga basura, hinangaan ng netizens

Asong sumisisid sa dagat para kunin ang mga basura, hinangaan ng netizens

- Marami ang natutuwa sa ginagawang paglilinis ng dagat ng asong si Lila

- Mahusay itong sumisid at nakukuha nito ang mga basurang nakakalat sa karagatan

- Tunay na kahanga-hanga raw ang ginagawang ito ng aso na sana raw ay pamarisan ng nakararami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kayang gawin ng asong si Lila na malaki ang naitutulong sa paglilinis ng ating mga anyong tubgig partikular na ang karagatan.

Sa video na binahagi ng Yahoo, makikita si Lila na matapang na sumisisid sa karagatan para kunin ang mga basura rito.

Ayon sa kanyang tagapag-alaga at trainer na si Alex Sohulze, natuklasan nila ang abilidad ni Lila na sisirin nito ang isang lobster mula sa dagat.

Mula noon, sinimulan na siyang hasain sa pagsisid lalo na ng mga basura sa karagatan.

Sa umpisa, mga laruan ang ginagamit na pang-train kay Lila sa pagkuha ng gamit sa dagat. At nang ma-master na ng aso ang kakayahan na ito, naisipan ni Alex na gamitin ito sa mabuting gawain at ito ay ang paglilinis ng mga anyong tubig.

Makikita sa video kung gaano kagaling ang aso sa paglalangoy at sa isang iglap ay kagat-kagat na nito ang basurang nakuha.

Matapos niya itong makuha, nahasa rin siya na ilagay ito sa tamang lalagyan na hawak naman ni Alex.

Kasapi na si Lila ng samahang 4OCEAN at araw- araw na kasamang naglilinis ng karagatan.

Samantala, ang mga bote na plastik naman na nakukuha ni Lila ay ginagawang bracelets ng 4OCEAN bilang bahagi ng pagre-recycle.

Pumalo na sa mahigit 600,000 views, 13,000 reactions, 214 comments at 1717 na shares ang video ni Lila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilang sa mga papuring natanggap ng aso mula sa mga netizens:

"Amazing Lila good job"
"Very amazing! Credit to Lila."
"Sir Alex Schulze, you both do wonderful tasks together! That's amazing."
"The very first time i saw a diving dog hahaha!!!"
"Amazing two..God bless u both"
"Buti pa ang aso natuto ang tao hirap madisiplina"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel