88 anyos na lola, natupad ang hiling na mapanood ang labanan sa "GoT" bago siya mamatay

88 anyos na lola, natupad ang hiling na mapanood ang labanan sa "GoT" bago siya mamatay

- Natupad ang kahilinga ng isang 88 anyos na lola na mapanood ang pinakaabangan ng lahat na "Battle of Winterfell" sa HBO originals na Game of Thrones Season 8

- Ang orihinal na hiling ng lola ay ang makita ng personal ang mga cast nito

- Pumanaw ang matanda sa gabi matapos ma-ere ang episode 3 ng programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakuha ng 88 anyos na si Claire Walton ang huli niyang kahilingan bago raw siya pumanaw na mapanood ang pinakaabangang "Battle of Winterfell" mula sa usap-usapan ngayong huling season ng Game of Thrones.

Ayon sa CNN, dala ng katandaan, humuling na si Claire sa mga tagapag-alaga niya sa hospisyo sa Providence, Rhode Island na kung maari sanang makita niya ang mga cast ng popular na palabas sa HBO.

Nalaman ng KAMI na ito ang orihinal niyang kagustuhan ngunit tila aminado siyang imposible na ito kaya naman sinabi niyang nais na lamang niyang mapanood ang labanan na kinasasabikan ng mga GoT fans.

Ngunit naging maswerte pa rin si Claire dahil bago niya tuluyang mapanood ang inaabangan niyang episode, mayroong short video clips na hinanda ang ilang cast ng paborito niyang programa para sa kanya.

Link ng video: https://www.facebook.com/HopeHealthCo/videos/2193302590777092/?v=2193302590777092

Ang ilan sa mga karakter na gumawa ng video greeting para kay Claire ay sina Syrio Forel, Ser Davos Seaworth, Pypar, Ser Meryn Trant, isang White Walker, Qhono at ilan pang di na nabanggit.

At dahil di naman maka-costume ng kanilang mga karakter ang mga artista, nilarawan na lamang nila kung sino sila sa programa upang mamukhaan ito ni Claire.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang matanda ngunit nai-ulat na pumanaw na rin ito isang gabi matapos maisa-ere ang pinakahihintay niyang episode.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel