Pinay, pinaslang ng ex-husband sa Las Vegas sa harap ng kanilang anak

Pinay, pinaslang ng ex-husband sa Las Vegas sa harap ng kanilang anak

- Pinatay si Karen Gotigdoc-Lopez ng kaniyang dating asawang si Fernando Lopez sa Las Vegas, Nevada

- Pareho silang Filipino at nangyari ang krimen sa harap pa ng kanilang anak

- Si Fernando naman ay napatay din ng isang lalakeng sinubukang saklolohan si Karen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Filipina na nagngangalang Karen Gotigdoc-Lopez ang pinatay ng kaniyang dating asawa sa Las Vegas, Nevada sa harap pa mismo ng kanilang anak.

Nalaman ng KAMI na pinaslang ni Fernando Lopez si Karen sa pamamagitan ng pamamaril.

Ayon sa report ng GMA-7 News program na Unang Balita, si Fernando ay isang Filipino rin.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon daw ng matinding pagtatalo ang dating magasawa sa loob ng kanilang kotse.

Nang i-park ang sasakyan sa harap ng isang bahay, bumaba si Karen sa kotse at mabilis na ibinigay ang kanyang anak sa dalawang lalake na nakatayo sa harap ng nasabing bahay. Ginawa ito ni Karen dahil alam niyang may dalang baril si Fernando.

Dito na binaril ni Fernando si Karen na kaagad namang namatay. Inagaw naman ng isa sa dalawang lalakeng nakasaksi ng krimen ang baril ni Fernando.

Nagbarilan sila at si Fernando ang napatay sa engkwentro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base naman sa records, annulled na pala ang kasal nila Karen at Fernando. Naghiwalay sila dahil ang lalake raw ay babaero at mapang-abuso kay Karen.

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa nangyari sa Las Vegas:

“Salamat dun sa tumulong na resident . Hope di siya makasuhan”

“Kawawa rin yung bata,So sad mga ganitong nangyayari na sa mundo.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Why Madam Kilay And Afam Broke Up: The social media celebrity reveals details on her highly-publicized breakup with her American partner – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel