Simple ngunit kakaibang love story ng travel buddies, viral

Simple ngunit kakaibang love story ng travel buddies, viral

- Marami ang kinilig sa simple ngunit kakaibang love story ng travel buddies na sina JOanne at James

- Sa una raw kasi ay pagta-travel lamang ang gutong gawin ng dalawa hanggang sa nakita na nila ang forever sa isa't isa

- Umano naman ng samu't saring komento ang post at ang karamihan at mga pagbati para sa magkasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Experience Philippines Facebook page ang simple ngunit kakaibang kwento nina James at Joanne.

Ayon sa post, nais lamang na maka-move on ni James noon habang si Joanne naman ay gusto lamang mag-adventure.

Nalaman ng KAMI na nagkakilala ang dalawa sa Singles Road trip noong 2017. Dahil pareho sila ng hilig sa paglalakbay, naging magkaibigan ang dalawa.

Mula noon naging travel buddies na sila at matalik nang magkaibigan.

Sa unang beses na panliligaw ni James, di ito sinagot ni Joanne. Ngunit di nagtagal, naging sila na rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At noong Abril 20, sinorpresa ni James ang kanyang kasintahan ng isang singsing at ang pagbaagsak niya ng mahiwagang tanong para sa kasal.

Nakuha naman ng lalaki ang matamis na oo ni Joanne. Masasabing nahanap na nila ang kanilang forever sa isa't isa at magiging forever travel buddies na rin sila.

Samantala, marami naman ang kinilig sa simpleng love story na ito at natuwa sa magkasintahan.

Narito ang kanilang mga komento:

"Wow! Congrats Road Trippers!"
"Ay bongga! Eto pla ung gala nio ng holyweek. Congrats Joanne and boyfie!"
"Congrats Anne & James.Godbless u both"
"pwede bang triple emoji sa pic mismo... ayeee,im so happy for both of you Joanne Binasoy and James Go!!! super duper happy talaga ako! yahoo!!!!"

Samantala, ang ilang netizens naman ay tila binigyan ng ideya ang kanilang mga kaibigan na single na mag-travel din upang mahanap na nila ang "the one" para sa kanila.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"travel na hahahahaha"
"Ayan sabi na e sa pagtatravel ka makakahanap ng jowa kaya magtravel ka na friend"
"huy 30 ka na, travel travel nang maligawan!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel