Isang masamang biro! Lalaki, nawalan ng trabaho dahil sa kanyang Facebook post tungkol sa lindol

Isang masamang biro! Lalaki, nawalan ng trabaho dahil sa kanyang Facebook post tungkol sa lindol

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang naging karanasan

- Ito ay tungkol sa kung paano siya nawalan ng trabaho dahil sa kanyang naging biro

- Sa nangyaring lindol na ikinabahala ng marami, nagawa pang gawing biro ng lalaki ang tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kasagsagan ng naranasang paglindol sa iba't-ibang bahagi ng bansa, isang netizen ang nagbiro sa pamamagitan ng pag post sa Facebook tungkol sa lindol.

Ayon sa Facebook user na si Brian Velarde DelaCruz, nagtrending ang kanyang naging Facebook status na "BORING NG LINDOL, WALA MANLANG BUILDING NA BUMAGSAK" tsaka yung "09650985443 MAGNITUDE KAYA PALA ANG LAKAS. HAYS, TM YA."

Kasunod nito ay kinausap na daw siya ng HR ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Binura nira ang kanyang post at nag post din siya ng public apology ayon na rin sa advise ng kanilang HR.

Kinabigla niya ang pagkaterminate niya dahil sinunod naman daw niya ang mga sinabi sa kanya. Katwiran ni Dela Cruz, hindi naman iyon tungkol sa kompanya nila.

"Yung mga nagsend ng screenshot at nagtulungan para mawala ako sa work, masaya na kayo? Yie. Ngingiti na yan sila. Ngiti na, hiya pa kayo eh. Kung nainis kayo, inunfriend nyo nalang sana ako para di ka din nastress sa mga post ko. Kung ayaw nyo sa mga post ko, block nyo ko, diba ang dali lang ng problema nyo. Di ako seryosong tao, magkakaiba tayo. Para sakin, biro lang yon kase hello, puro shitpost at kagaguhan din mga nakikita ko sa newsfeed ko kaya nahawa ako or nasanay sa mga ganung post. Pero, okay. Wala na akong work ano pa bang pinuputok ng buchi ko dito hahahaha. Hanap nalang ulit. Binasa ko name ng mga nagreport bago tinakpan name ng mga nagreport ng HR. Pinagmumura nyo ko sa comment box, messages request tapos nawalan na ako ng work. Okay na kayo ah."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dinagdag din niyang magkakaiba lang talaga ang mga tao at sadyang ganun lang sya, mapagbiro.

"WE ARE CALLED INDIVIDUAL BECAUSE WE ARE ALL DIFFERENT. seryoso kayo, abnormal or mapagbiro ako. Okay? Kung di nyo ko naiintindihan, ako nalang iintindi sa inyo. Sige na, drama ko na. Hahahaha charot. Iloveyou all. Mwaaps.

Ayon naman sa ibinahaging dokumento ni Dela Cruz na galing sa kumpanya, may nalabag siyang Policy of Morality kaya siya natanggal sa trabaho.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Blackpink: Kill This Love Dance Prank | HumanMeter

Check out the public prank video filmed in the Philippines. Watch us do the Blackpink's Kill This Love Dance Prank in public. Some people laugh, some are shocked, others just don't care at all. Enjoy!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee Pacquiao asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee Pacquiao asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel