Libreng slice ng pizza, alok ng restaurant matapos makita ang mga pulubing kumakain ng basura

Libreng slice ng pizza, alok ng restaurant matapos makita ang mga pulubing kumakain ng basura

- Nag-aalok ng librang pizza at tubig ang manager ng Little Caesars restaurant sa Fargo, North Dakota

- Ito ay matapos niyang malamang kinakain ng mga pulubi sa kanilang lugar ang mga tira-tirang pagkain na mula sa kanilang basura

- Umani ng papuri ang naturang restaurant dahil sa pagpapakita ng malasakit sa mga wala nang makain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang kakaibang gawain ng Little Caesars restaurant sa Fargo, North Dakota USA dahil sa pamimigay nila umano ng libreng pizza at tubig sa mga pulubing walang makain sa kanilang lugar.

Ayon sa viral novety, napansin daw umano ng mga tauhan ng restaurant na kinakain ng mga pulubi ang mga tirang pagkain mula sa basurahan ng restaurant.

Kaya naman naisip ng General Manager na si Michelle Lussier na bigyan ng maayos na pagkain at makakainan ang mga taong ito.

Nalaman ng KAMI na nagpaskil ito sa pinto ng restaurant ng :

“To the person going through our trash for their next meal, you’re a human being and worth more than a meal from a dumpster. Please come in during operating hours for a couple slices of hot pizza and a cup of water at no charge. No questions asked.”

Sa ganitong paraan, bukod sa dasal at kahilingan na mapabuti ang mga taong nangangailangan, totoong tulong na ang binibigay ng Little Caesars.

Malaking bagay na may makain na ang mga taong wala na ngang tirahan upang maibsan ang isa sa sangkaterba nilang prinoproblema.

Sa ginawa na ito ng restaurant, marami lalo ang tumangkilik sa kanila at nakatutulong pa ito sa komunidad.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel