Lolong tindero, nagpasalamat pa sa nanggulang sa kanya gamit ang pekeng ₱1000

Lolong tindero, nagpasalamat pa sa nanggulang sa kanya gamit ang pekeng ₱1000

- Imbis na magalit, nagpasalamat pa si Solomon Alfanta sa bumili sa kanya gamit ang pekeng ₱1000

- Dahil sa viral post, bumaha ng tulong mula sa iba't ibang panig ng Cebu at maging tulong mula pa sa Maynila na labis niyang kinagulat

- Kabilang na rito ag di pinangalanang artista na nagpadala rin ng tulong kay tatay Solomon nang malaman ang panggugulang na ginawa sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pasalamat na lamang ni lolo Solomon Alfanta, ang tindero ng prutas na naloko gamit ang pekeng ₱1000 sa Cebu dahil sa pagdagsa ng biyaya sa kanya.

Sa panayam sa kanya ng Cebu Daily news, imbis na magalit sa nanggulang sa kanya, pinasalamatan pa niya ito dahil sa mga tulong na tinatamasa niya ngayon mula sa iba't ibang tao.

Maaalalang si lolo Solomon ang tinderong binilhan ng saging halagang ₱100 at binayaran ng ₱1000. Sinuklian pa niya ito ng ₱900 dahil wala siyang kaalam-alam na peke pala ang isang libong perang binayad sa kanya.

Isang netizen ang nagmalasakit na ibahagi ang nangyari na ito kay tatay Solomon dahilan para dumagsa ang tulong para sa matanda.

Nagugulat na lamang siya na may mga bumibili sa kanyang labis ang bayad at di na hinihingi pa ang sukli.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayroon ding mga galing pa sa ibang panig ng Cebu na tila dinayo pa siya para makabili ng paninda niya at makapag-abot na rin ng tulong sa kanya.

Ang pinakahuli nga ay ang tulong na galing sa isang di pinangalanang artista na nasa Maynila. Nang makita ang viral post tungkol kay lolo Solomon, nagpadala ito ng tulong sa matanda.

Malaking bagay ang mga biyayang ito kay tatay Solomon lalo na at siya'y nagpapagamot dahil sa sakit sa puso. Gagamitin din niya ang mga tulong na natanggap sa iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kaya naman emosyonal si tatay Solomon na nagpasalamat sa mga taong may mabubuting kalooban na nagpaabot ng tulong sa kanya sa anumang paraan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, nag-viral

Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, nag-viral

Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel