Pinoy flight attendant, tumulong magpaanak ng kambal sa eroplano

Pinoy flight attendant, tumulong magpaanak ng kambal sa eroplano

-Hindi nagdalawang-isip na tumulong ang isang flight attendant sa isang buntis na pasahero matapos itong 'di inaasahang nanganak sa habang sila ay nasa ere

-Nagpapasalamat ang binata na nagamit niya ang kanyang napag-aralan noong siya ay nasa kolehiyo at nagpsalamat sa kaniyang mga naging propesor

-Sa tulong ng iba pang pasaherong nurses, nakapanganak ng matiwasay ang kanilang buntis na pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa tulong ng isang flight attendant, matiwasay na nanganak ng kambal ang isang pasahero ng Philippine Airline noong April 27 habang sila ay nasa ere.

Si John Paul Reyes o Japs para sa kanyang mga kakilala ang Pinoy flight attendant na 'di nagdalawang-isip na tumulong sa ginang.

Sa isang panayam kay Reyes ng Preview, ibinahagi nito ang naging karanasan.

“Our flight took off at around 1 a.m., Manila time. We started food service at around 1:45 a.m. Suddenly, a passenger approached one of our crew and said that his wife was experiencing stomach pain.

The crew then asked me if I could attend to the passenger. I immediately stopped the food service and went to the passenger's assigned seat,” anito sa panayam.

Ayon sa report, 8-buwang buntis na ang ginang at pinayagang bumiyahe matapos nitong magpakita ng medical clearance.

Naisip raw ni Reyes na posibleng nakakaranas ito ng Braxton Hicks contraction, kung kaya naman pinaglakad-lakad niya ito upang mabawasan ang pananakit na nararamdaman nito.

Ngunit maya-maya ay sinabi nitong lalabas na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Mabuti na lamang at may iba pang nurse sa flight na iyon mula Riyadh papuntang Maynila.

Dinala raw niya ito sa galley upang doon ito humiga. Nang i-eksamin niya ito, nakita na raw niya ang ulo ng sanggol.

2:25 ng umaga nang matiwasay na mailuwal ang sanggol na babae. Pinatulungan nilang putulin ang cord at tsaka ibinalot sa malinis na blanket ang bata.

Dahil kulang pa sa buwan kinailangan nila itong painitan gamit ang mga flashlights.

Ngunit hindi pa doon natapos ang insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“We thought the emergency childbirth was about to wrap up, [then the] father said, ‘May isa pa yan.’ I responded, ‘Anong isa pa?’ He replied, ‘Kambal yan.’

We realized that we had to facilitate the delivery of the placenta so the second baby can be delivered.

Time was crucial for the second baby since it can cause distress if the baby stays inside the mother's womb for a long time after the delivery of the first one.” kwento ni Reyes.

Dahil dito, nagdesisyon na ang flight deck crew na mag-emergency landing sa Dubai International Airport.

Laking-pasalamat ng pasahero sa mga tumulong rito ngunit mas masaya si Reyes dahil sa kakaibang eksperyensang ito.

"I may have been working as a flight attendant for almost six years now, but during that one exceptional day, I felt extremely proud that I am also a nurse.” anito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel