Batang nakalunok ng baterya, hirap nang huminga at 'di na makakapagsalita

Batang nakalunok ng baterya, hirap nang huminga at 'di na makakapagsalita

-8-buwang gulang pa lamang ang batang si Devon Hacche nang makalunok ito ng lithium-ion battery

-Dahil dito, hirap itong huminga at kinakailangang tutukan ang kondisyon

-Higit sa lahat ay hindi na makakapagsalita pa ang bata dahil sa iniwang damage ng baterya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinakailangang tutukan ang kondisyon at posibleng hindi na makahinga ng walang tulong ang batang si Devon Hacche matapos itong makalunok ng lithium-ion battery.

Ayon sa ulat ng The Asianparent, 8-buwang gulang pa lamang si Devon nang mangyari ang insidente.

Dinala sa ospital ng ina nitong si Amanda ang bata nang mapansing hirap itong huminga na parang may pito at mayroon itong sipon.

Doon na-diagnose na meron itong bronchiolitis, isang uri ng sakit sa respiratory tract dahil sa impeksyon.

Ngunit matapos nito ay mas lumala pa ang kondisyon ni Devon kung kaya dinala muli ito sa ospital ng ina.

Isinailalim ito sa x-ray kung saan nakita na ang baterya na nasa esophagus nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na isinalang sa isang operasyon ang bata upang matanggal ang baterya sa loob ng katawan nito.

Napag-alamang nag-iwan ng matinding sunog sa kanyang esophagus at nag-iwan ng butas na may laking 5cm ang baterya.

Nasunog rin ang trachea nito at maging ang nerves na kumokontrol sa vocal chords nito ay matindi rin ang damage.

Pagkatapos ng araw na iyon ay sumailalim pa sa limang operasyon si Devon upang ma-repair ang mga tissues na nasunog.

Kabilang rito ang isang walong oras na operasyon kung saan kinailangang patigilin ang puso at baga nito. Sa tulong ng isang cardiac bypass machine, nanatiling buhay si Devon.

Ngunit kailangan pa ring tutukan ang kondisyon nito at nagpabalik-balik sa ospital sa loob ng walong buwan at ilan pang treatment sa mga sumunod na taon.

“Devon may never breathe independently again and he will remain without a voice. He cannot make sounds without vocal cord function,” ayon kay Amanda.

Batang nakalunok ng baterya, hirap nang huminga at 'di na makakapagsalita

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
EXO's Kai exposes two women stalking him on Instagram live

EXO's Kai exposes two women stalking him on Instagram live

EXO's Kai exposes two women stalking him on Instagram live
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel