Pinay hiker, naka-Filipiniana gown pang winagayway ang bandila ng bansa sa Everest

Pinay hiker, naka-Filipiniana gown pang winagayway ang bandila ng bansa sa Everest

- Proud na itinaas ng Pinay hiker na si Bianca Lawas ang bandila ng bansa nang marating niya ang Mt. Everest

- Nagawa pa niyang magpalit ng FIlipiniana gown sa kabila ng tindi ng lamig dito

- Matagal na niyang binabalak itong gawin at masaya siyang naisakatuparan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng Pinay hiker na si Bianca Lawas nang maisipian niyang iwagayway ang bandila ng bansa suot ang Filipiniana sa Mt. Everest noong Abril 22.

Sa kanyang Facebook post, taas noo siyang nagpakuha ng litrato habang hawak ang bandera ng bansa at sa kabila ng tindi ng lamig sa lugar na iyon, nagawa pa niyang magdamit ng isa sa mga pambansang kasuotan.

Pinanindigan niya talaga ang caption ng kanyang post na "Representing the Philippines in Everest Base Camp in my Red Filipiniana Gown."

Nabanggit din ni Bianca ang hirap ng pagpapalit niya ng damit dahil bukod sa lamig, gown pa umano ang kanyang suot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam sa kanya ng Preview, nabanggit niya wala pa pala talagang ni isa sa ibang bansa ang nakagawa nito kung saan national costume pa talga ang sinuot sa pagwagayway ng bandila ng kanilang bansa.

Nabanggit din niya na pinadala pa niya talaga sa isa sa mga porter ang gown gayung may kabigatan din ito sa kagustuhan niyang maisakatuparana ang matagal na niyang binabalak gawin sa kanyang pag-akyat sa Everest.

Gamit naman ang malong at mga kaibigang tumulong sa kanyang pagbibihis, nagawa niya ito para sa kakaibang "flag raising" sa Everest.

"In general, I felt proud and happy” pagtatapos ni Bianca sa kanyang panayam.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel