Bonggang room makeover ng BF sa kanyang GF, kinainggitan ng netizens

Bonggang room makeover ng BF sa kanyang GF, kinainggitan ng netizens

- Room makeover ang naging regalo ng boyfriend na ito sa kanyang girlfriend para sa kanilang anniversary

- Puro Hello Kitty ang dekorasyon ng kwarto ng babae bilang ito raw ang kanyang paborito

- Aminado ang ilang netizens na nainggit sila sa effort na ginawa ng nobyo na ito para sa kanyang pinakamamahal niyang girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng kinaiingitan na ngayong couple na ito kung saan todo effort ang boyfriend para sa kakaibang anniversary gift niya sa kanyang nobya.

Binahagi ng Online confessions ang mga larawan ni Giearson Agapito Genova kung paano niya sinorpresa ang nobya para sa kanilang 6th anniversary.

Imbis kasi mga mamahaling regalo ang ibigay niya sa kanyang girlfriend na si Mariz, isang bonggang room makeover ang ginawa niya para rito.

Kwento ng BF, nagmistulang tambakan daw ang kwartong GF na matagal na nilang balak ayusin.

Kaya naman ngayong anniversary nila at nabanggit muli ni Mariz na nais niyang ayusin ang kwarto, sinamantala na ito ni Giearson para gawing regalo sa nobya.

Pamula sa pag-aayos sa kisame ng kwarto, paglilinis, pamimili ng mga gamit at pag-aayos nito sa loob, hands-on talaga si Giearson na halos di na niya pinakilos ang GF.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil paborito ng nobya ang Hello Kitty, kahit saan na siya ngayon lumingon sa kanyang kwarto ay puro Hello Kitty na ang makikita niya sa loob nito.

Kita sa mga larawan na orihinal pa ring binahagi ni Giearson ang kasiyahan ng girlfriend sa bonggang regalong natanggap niya mula sa BF.

Samantala, habang kinikilig ang karamihan, aminado naman ang ilang netizens na tila nainggit sila sa konsepto ni Giearson ng pagreregalo kay Mariz. Ang karamihan pa nga sa kanila at nagawang i-tag ang kanilang mga nobyo para bigyan ito ng ideya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"ganda oh,,bet ko ung kitty design syempre,,pero mas bet ko yung stock ng food,hahhahahaha"
"Mejo malaki dito kwarto ko pero feeling ko keri mo ee. stitch po"
"baka naman love. HAHAHAHA Kaso matagal pa 6th anniversary natin ehh"
"Love, di kwarto gusto ko. Buong bahay gusto ko ipagawa mo"
"Pahingi nman ng boyfie na gaya mo... Sa panahon ngayon babae na gumagastos. Bat gnun"
"Oh babe, may idea ka na, Pero ayoko ng hello kitty"
" baby baka naman pagawan mo pako ng kwarto sa 6th anniv natin , hahahahahahaha nakikikwarto lang kasi ko kaya baka naman"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel