Kaibigan ng lalaking kumitil sa sariling buhay, may mahalagang mensahe tungkol sa depresyon

Kaibigan ng lalaking kumitil sa sariling buhay, may mahalagang mensahe tungkol sa depresyon

- Nagdadalamhati si Brye-brye Bendaño Ortega, kaibigan ni Kurtiee John Cairo Hierco na di umano'y nagpatiwakal dahil sa depresyon

- Mukha raw maayos ang kaibigan ngunit matindi na pala ang pinagdaraan nito hanggang sa di makayanan at kinitil ang sariling buhay

- Nagbigay ng mensahe si Brye sa mga taong tulad ng kaibigan niyang si John Cairo na dumnas ng depresyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ni Brye-brye Bendaño Ortega tungkol sa pagpapakamatay ng kanyang kaibigang si John Cairo Hierco dahil umano sa matinding depresyon.

Binahagi ni Brye ang mga larawan ng kaibigan na nagpapakitang masaya naman ito sa buhay na iyon pala'y may matindi nang pinagdaraanan.

Dahil dito nagbigay ng mensahe si Brye patungkol sa mga dumaranas ng depresyon.

Nalulungkot siyang natalo ng depresyon ang kaibigan niyang si John Cairo na sana ay natulungan nila kahit pa sinabi nitong "ok" naman daw siya.

Sinabi ni Brye na isa sa mga mabisang paraan upang labanan ang depresyon ay ang pagtanggap ng pinagdaraanang problema.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kailangan harapin lamang daw ito ng patas at hanapan ng solusyon.

Mainam din daw na magkaroon ng plan B, C, D sakaling pumalya ang plan A sa pagresolba ng problema.

Nagpayo rin si Brye patungkol sa pag-ibig. Kung nasaktan at iniwan, huwag na raw ipilit dahil magiging komplikado lang lalo ang lahat.

At ang mahalaga sa lahat at ang pagiging positibo lamang sa mga bagay-bagay lalo na sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay.

Samantala, maraming netizens ang nakidalamhati sa pagkawala ni John Cairo at marami rin ang sumang-ayon sa mga binahagi ni Brye tungkol sa depresyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel