Mga bida at direktor ng Avengers: Endgame, may mensahe para kanilang Pinoy fans

Mga bida at direktor ng Avengers: Endgame, may mensahe para kanilang Pinoy fans

-Nagpahayag ng pasasalamat para sa kanilang Pinoy fans ang ilang bida at mga direktor ng inabangang Avengers: Endgame

-Sa pamamagitan ng social media isang madamdaming mensahe para sa mga Pilipino ang ibinigay ng mga ito

-Matatandaang umabot sa P205,676,345 ang kinita ng Hollywood film sa opening day pa lamang nito na ipinalabas sa 970 screens sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpahayag ng pasasalamat ang ilang bida at mga direktor ng inabangang Avengers: Endgame para sa kanilang mga Filipino fans.

Sa isang Facebook video sa official page ng Marvel, nagbigay ng madamdaming mensahe ang mga ito.

"To our fans in the Philippines who have been deemed the biggest fans in Southeast Asia, from the bottom of my arc reactor heart, thank you for the overwhelming love and support you've shown to the MCU [Marvel Cinematic Universe] over the past 10 years.

We got you whatever it takes!" sabi ni Robert Downey Jr. na gumanap bilang Iron Man sa Hollywood film.

"You are the biggest fans. You guys rock.

"I'm so excited. I know you're so excited. Let's be excited together," ito naman ang mensahe ni Jeremy Renner, na gumanap bilang si Hawkeye.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Sending my photon blast-filled love to you and all as we journey into endgame." mula naman kay Brie Larson, na gumanap bilang si Captain Marvel.

Sa isa pang report ng KAMI, inamin ni Larson na una siyang nag-shoot para sa Endgame bago sa kanyang pinag-bidahang Captain Marvel na ipinalabas noong Marso.

Nagapasalamat rin ang mga direktor ng pelikula na sina Anthony Russo at Joe Russon sa mga Pinoy fans.

"Fans of the MCU in the Philippines, we wanna thank you!" sabi ng mga ito.

Matatandaang umabot sa P205,676,345 ang kinita ng Hollywood film sa opening day pa lamang nito na ipinalabas sa 970 screens sa Pilipinas.

Mas malaki kumpara sa kinita ng Avengers: Infinity War noong 2018 at pinamalaki sa lahat ng Marvel film na ipinalabas sa bansa.

Samantala sa isa pang ulat ng KAMI, ilang Pinoy fans ang hindi nagustuhan ang pagpapalabas nito sa ilang sinehan sa Pinas na mayroong Chinese subtitles.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel